Pangulong Duterte, natutuwa sa pangunguna ng Pilipinas bilang ‘Best Country To Invest In’


Nagalak si Pangulong Rodrigo Duterte na ang Pilipinas ang number 1 na bansa na pinakamagandang mag-invest o maglagak ng puhunan base sa US News and World Report.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sa cabinet meeting kagabi ay kitang kita ang pagkagalak ng Pangulo sa balita at binati pa aniya ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang Gabinete dahil sa nakuhang top ranking ng Pilipinas.

Sinabi ni Andanar na lahat ng gabinete ay tuwang tuwa lalot maraming naungusan na bansa ang Pilipinas tulad ng France, Indonesia, Thailand at iba pa kung ang pag-uusapan ay bilang ‘Best Country To Invest In.’

Sinabi din ni Andanar na isa itong malaking panalo para sa mga Pilipino at sumasalamin ito sa mga magagandang polisiya na ipinatutupad ng administrasyong Duterte.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment