Wednesday, March 7, 2018

Pangulong Duterte, posibleng higit pa sa 16million ang boto kung totoong may irregularidad sa election returns ng COMELEC


Posibleng mas marami pang boto ang nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na eleksiyon kaysa sa 16 million na naipanalo nito kung totoong may irregularidad sa election returns ng Commission on Elections (Comelec) noong May 2016.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng naging privilege speech ni Senador Vicente Sotto III na naglahad ng umano’y irregularidad sa boto ng ilang senador.

Ayon kay Roque, posibleng naapektuhan din ang boto ni Pangulong Duterte pero hahayaan muna nilang mag-imbestiga ang Comelec sa naging pasabog ni Sotto.

Susubaybayan na lamang aniya ng Palasyo ang mga magiging kaganapan sakaling magkaroon ng imbestigasyon ang Comelec at maging ng senado dahil ang ninakaw kung sakaling totoo ay ang mandato ng taongbayan.

” Walang duda po na ang kampo ng Presidente mas maraming boto ang nakuha ni Presidente kaysa sa 16 million. So posible po iyan pero hinahayaan na ng Presidente na mag-imbestiga muna ang Comelec at tingnan natin kung meron ngang mga election violations na naganap. Kasi hindi naman po ito protesta, so titingnan na lang natin kung merong mga election offenses na nangyari. Ang preliminary investigation po ng mga election offenses ay nasa law department ng Comelec. So susubaybayan po natin iyan, dahil ang Presidente naman ay tagapagpatupad ng ating mga batas at napakaimportante po na ang ating election laws, dahil ang ninanakaw ay ang mandato ng taumbayan,” ani Roque.

Batay sa pahayag ni Sotto, nagkaroon umano ng maagang transmission ng resulta ng mga boto gayong hindi pa nagsimula ang eleksiyon noong Mayo 9 at may mga kandidado sa pagka-senador ang na-zero ng boto sa ilang lugar partikular sa Bicol region.

Dahil dito hiniling ng senador na mag-imbestiga ang senado dahil kapag mapatunayang dinoktor ang resulta ng eleksiyon noong 2-16 ay maituturing na sinabotahe ang eleksiyon.

Matatandaang hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ang election protest ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa paniwalang dinaya ito noong nakalipas na eleksiyon.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte, posibleng higit pa sa 16million ang boto kung totoong may irregularidad sa election returns ng COMELEC
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email