Poe at Roque nagsalpukan sa fake news hearing


Nagtalo sa pagdinig ng Senado ukol sa pagsawata sa fake news sina Senadora Grace Poe at Presidetial Spokes person Harry Roque.

Umalma si Harry Roque sa panukalang batas ni Grace Poe kung saan layong parusahan ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na magpapakalat ng fake news sa social media.

Ito ay ang Senate Bill number 1680 kung saan dinadagdagan ng probisyon ang Code of Conduct and Ethical Standards for Government Officials para maging responsable ang mga nasa gobyerno sa social media.

Sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media na pinamumunuan ni Poe, sinabi ni Roque na ang pagpuntirya ni Poe sa mga taga-gobyerno ay paglabag ito sa utos ng Konstitusyon na dapat laging patas sa lahat ang batas.

Hindi rin aniya makatuwiran na may parurusahan para sa pagkakalat ng fake news dahil wala pang batas na nagbibigay ng kahulugan sa fake news.

Iginiit pa na hindi dapat isabatas ang pakahulugan sa fake news at dapat ipaubaya na ito sa publiko.

Idiniin naman ni Poe na sadyang bawal para sa lahat, nasa gobyerno man o pribadong tao, ang paninira o pagkakalat ng fake news batay sa Revised Penal Code, Article 154.

Pero gusto niyang patawan ng parusa ang mga nasa gobyerno dahil kailangang mas mataas para sa kanila ang pamantayan dahil pinagtitiwalaan sila ng salapi at kapangyarihan ng gobyerno.

Nang uminit na ang pagtatala, sinabihan na lang ni Poe si Roque na dumalo na lang sa public hearing ng Senate committee on civil service hinggil sa kaniyang panukalang batas.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment