Friday, March 23, 2018

Senator Pimentel, nilait ang argumento ni Trillanes kaugnay sa kwalipikasyon niya para muling kumandidatong senador


Ayon kay Senate President Koko Pimentel, hindi abogado si Senator Antonio Trillanes IV.

Kaya naman, giit ni Pimentel, walang basehan at hindi na dapat patulan ang mga opinyon ni Trillanes.

Una rito ay nag-post si Trillanes sa kanyang twitter account na hindi na kwalipikadong kumandidato muli sa pagkasenador sa 2019 elections si Pimentel kahit kulang-kulang dalawang taon lang ang napagsilbihan nito sa unang termino.

Paliwanag ni Trillanes, malinaw sa konstitusyon na hanggang dalawang termino lamang ang bawat senador.

Pero diin ni Pimentel, magiging pagsasayang lang ng oras kung papatulan niya pa si Trillanes.

Si Pimentel ay abala sa pagdinig sa General Santos ukol sa mga pekeng titulo ng lupa at right of way scam nang hingan ng media ng reaksyon ukol sa pahayag ni Senator Trillanes.

Source: RMN

Related Articles

Senator Pimentel, nilait ang argumento ni Trillanes kaugnay sa kwalipikasyon niya para muling kumandidatong senador
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email