VP Leni Robredo, nais magtagumpay si Pangulong Duterte


Nais ni Vice President Leni Robredo na magtagumpay ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Dutete.

Ayon kay Robredo – sa kabila ng kanilang political differences, buo ang kanyang suporta kay Duterte.

Nilinaw din niya na hindi ibig sabihin na kapag ‘supportive’ ay dapat sumang-ayon sa lahat ng oras.

Binigyang diin pa ng Bise Presidente na obligasyon ng lahat na tapikin o kalampagin ang isang public official kung may ginagawa na itong mali.

Nanawagan din si Robredo sa pangulo na makinig din sa mga kritisismo at tanggapin ang mga ito.

Muli ring itinanggi ni Robredo na bahagi siya ng di umano’y destabilization plot laban sa Pangulong Duterte.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment