Zimbabwe health minister nagreklamo sa maliit na condom ng China


Plano ng isang condom manufacturer sa China na baguhin ang size ng kanilang mga condom matapos magreklamo ang health minister ng Zimbabwe dahil sa masyadong umano itong maliliit sa kanilang mga kalalakihan.

Ginawa ni Health Minister David Parirenyatwa ang pahayag noong nagdaang Linggo sa isang event kung saan nag-promote ito para sa HIV/Aids prevention.

“The southern African region has the highest incidence of HIV and we are promoting the use of condoms,” sabi ni Parirenyatwa, batay sa report ng New Zimbabwe.com.

“Youths now have a particular condom that they like, but we don’t manufacture them. We import condoms from China and some men complain they are too small.”

Tiniyak naman ni Zhao Chuan, chief executive ng condom manufacturer Beijing Daxiang and His Friends Technology Co, na gagawa sila ng iba’t ibang hugis ng kanilang ini-export ng condom sa Zimbabwe.

Ang Zimbabwe ay isa sa mga bansa sa Sub-Saharan Africa na labis na naapektuhan ng HIV/AIDS kung saan tinatayang 13.5 per cent ng adult population ay tinamaan ng nasabing virus.

Sila rin ay isa sa Top 5 importers ng condom sa mundo.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment