Monday, April 30, 2018

Pilipinas, kabilang sa mga bansang laganap ang korapsyon at panunuhol sa pribadong sektor


Laganap rin ang suhol at korapsyon sa mga negosyo sa Pilipinas.

Batay sa 2018 EY global fraud survey, ang Pilipinas ay ika-17 mula sa 53 bansa na may mataas na bribery at corruption practices sa pribadong sektor.

Lumabas din sa report na 54% ng mga executives ang nagsabing malawak ang bribery at corruption practices sa business community.

Ang Brazil ang nangungunang bansa na may laganap na korapsyon sa pagnenegosyo, kasunod ang Colombia, Nigeria, Kenya at Peru.

Nangunguna naman ang Germany at Switzerland sa mga bansang hindi laganap ang korapsyon sa pagnenegosyo, kasunod ang Sweden at Finland, Taiwan, Netherlands, Denmark at Austria.

Isinagawa ang survey mula October 2017 hanggang January 2018 sa 55 bansa at teritoryo.

Source: RMN

Sunday, April 29, 2018

Alejano: Duterte administration, ampaw!


Binanatan ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano ang 60-40 na hatiang inialok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa joint exploration sa West Philippine Sea.

Ayon kay Alejano, hindi lamang ito matatawag na unconstitutional kundi pagtataksil rin sa bayan.

Binigyang diin ng kongresista na malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na ang exploration, development, at utilization ng likas na yaman ay dapat solo at nasa buong kontrol at superbisyon ng Pilipinas.


Nalinaw rin anya ang desisyon ng arbitral tribunal na walang overlapping entitlements ang China sa West Philippine Sea.

Sa katunayan, ang 9-dash line claim anya nito ay deklaradong invalid.

Sabi ni Alejano, katangahan na ibahagi sa iba ang sariling teritoryo at yaman na eksklusibong pagmamay-ari ng bansa.

Mas lalo anyang hindi dapat gawing katuwang ang China na kilalang island-grabber.

“Maliwanag ang intensyon ni Duterte – ibenta at ipamigay ang ating teritoryo. Where is assertion of our rights here? What I see is treason as the President of this nation and as a Filipino,” ani Alejano.

“The Duterte administration can be described as an “AMPAW” administration”. Kung sa pagkain, ampaw dahil walang laman at puro palabas at pangako lamang. Kung sa kulturang Tsino naman, ampaw dahil naabutan na ng pulang sobre,” dagdag ng kongresista.

Source: ABANTE

Pangulong Duterte, nanindigang ipaglalaban ang teritoryo ng Philippine Rise


Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pupunta siyang Philippine Rise.

Ayon Sa Pangulo, bibisita siya sa Philippine Rise para ipakita ang layunin ng pamahalaan na ito ay protektahan.


Aniya, pagdating nya sa Philippine Rise ay magbibigay siya ng ‘statement’ at sasabihin niyang walang ibang may-ari noon kundi ang Pilipinas.

Pagbibiro pa ng Pangulo kahit pa umabot sa San Francisco Bay ang Continental Shelf ng Benham Rise ay pag-aari pa rin ito ng Pilipinas.

Source: RMN

Pag-aresto sa Australian nun na si Patricia Fox, kagagawan ni De Lima – Pangulong Duterte


Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senadora Leila De Lima ang may kagagawan kung bakit inaresto ang Australian nun na si Patricia Fox.

Sa kanyang arrival speech, sinabi ng Pangulo, inaprubahan ni De Lima na noon ay kalihim ng Department of Justice (DOJ) ang isang Bureau of Immigration (BI) operation order kung saan pinagbabawalan ang mga dayuhan na dumalo, sumuporta at makiisa sa anumang uri ng rally pabor o laban sa pamahalaan.

Ayon kay Duterte, hindi niya ibinasura ang kautusan dahil magagamit niya ntio.

Kasabay nito, hindi nanghihinayang si Fox sa pananatili niya sa Pilipinas sa loob ng 27 taon.

Iginiit ng madre na wala siyang pinagsisisihang ginawa.

Source: RMN

Pangulong Duterte, naka-uwi na ng bansa bitbit ang halos 200 milyong dolyar na investment


Nag-uwi si Pangulong Rodrigo Duterte ng 187.5 million US dollar investment sa bansa kasabay ng pagbisita niya sa 32nd ASEAN Summit.

Anim na Memorandum of Understanding (MOU) at apat na Letters of Intent (LOI) ang nilagdaan ng Pilipinas at Singapore na kayang makagawa ng halos 2,000 trabaho.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulong Duterte na walang mangyayaring korapsyon upang mahikayat pa ang mga negosyante na mamuhunan sa Pilipinas.

Nagpaalala pa ang Pangulo sa mga entrepreneur na magbayad ng tamang buwis para sa maayos na pagnenegosyo sa bansa.

Pero nagbabala aniya siya na bagamat wala na silang kahaharaping mabigat na problema sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR), ay posibleng magkaroon naman ng problema sa mga lokal na pamahalaan partikular sa pag-iisyu ng permit.

Pinayuhan din niya ang mga negosyante na huwag magpapatiklop sa anumang government officials na ang tanging habol lamang ay pera.

Source: RMN

Monday, April 23, 2018

Trillanes, inakusahan ang Administrasyong Duterte ng pagsisinungaling sa buong mundo


Para kay Senator Antonio Trillanes IV, ang pagtanggi ng Administrasyong Duterte na mayroong nagaganap na Extra Judicial Killings (EJK) sa bansa ay malinaw na hayagang pagsisinungaling sa buong mundo.

Giit ni Trillanes, alam ng buong mundo ang tungkol sa mga kaso ng patayan dito sa Pilipinas kaugnay sa gera kontra ilegal na droga.

Ayon kay Trillanes, ang nabanggit na mga patayan ay nasaksihan at naidokumento ng nakaraming mapagkakatiwalaang sektor, mga indibidwal at mga organisasyon sa loob at labas ng bansa.

Kasabay nito ay binalaan din ni Trillanes ang mga tagapagsalita at tagapagtanggol ng administrasyon.

Diin ni Trillanes, malinaw ang nakasaad sa Rome statute na ang mga ito ay damay at mapaparusahan kaugnay sa umano ay nagaganap sa bansa na krimen laban sa sangkatauhan.

Source: RMN

Sinibak na LTFRB Region 5 director, nais paimbestiahan sa kongreso ang pagiging tiwali ni LTFRB Chairman Martin Delgra


Pinaiimbestihagan sa kongreso ng nasibak na regional director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano ay pagiging korap ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Ayon kay Jun Abrazaldo, dating pinuno ng LTFRB-Bicol Region, inaarbor ni Delgra ang mga kaso ng mga nahuhuli nila.

Aniya, isang trucking company at isang bus company ang partikular na binibigyan umano ng espesyal na atensiyon ni Delgra.


Super espesyal din aniya para kay Delgra ang isang bus company na base sa datos ng region 5 ay notoryus na kolorum ang mga bus.

Depensa naman ni Delgra, nitong Biyernes, Abril 20, nang sinibak si Abrazaldo dahil sa ulat ng korupsiyon laban sa regional director.


Sa imbestigasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kay Abrazaldo, hindi pa kumpirmado ang mga alegasyon.

Sa imbestigasyon naman ng LTFRB, inaabsuwelto na umano si Abrazaldo.

Inaantabayanan pa ang magiging panig ni Delgra sa pagpapaimbestiga sa kaniya ni Abrazaldo.

Bago pamunuan ang LTFRB, si Delgra ay isang abogadong nakabase sa Davao at naging bahagi ng legal team ni Duterte noong halalan 2016.

Source: RMN

PNP Chief Albayalde, Hindi titigil hanggat hindi naipapakulong ang lahat ng mga Drug suspek


Tiniyak ni PNP Chief Police Director Oscar Albayalde na hindi sila titigil hanggat hindi nakukulong ang mga drug suspek na sinasampahan nila ng kaso.

Ginawa ni Albayalde ang pahayag matapos na makapagpyansa ang isang Chinese drug suspect na kinilalang si Li Hong Peng na una nang inaresto at kinasuhan ng mga pulis dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.


Dalawang beses nang inaresto ang Chinese ngunit dalawang beses rin itong nakapagpyansa noong taong 2012 at 2017.

Kaya naman mino-monitor rin ng PNP ang mga hukom ng San Juan at Makati Court na nagdesisyon sa kaso ng banyaga.


Sinabi ni Albayalde, titiyakin nilang magkakaroon sila ng mga sapat at mabigat na ebidensya upang tuluyang madiin sa kaso ang mga naarestong drug suspek.

Kahit ilang beses pa aniyang makapag pyansa ang isang drug suspek hindi sila magsasawang arestuhin ito ng arestuhin.

Kanina sa isinagawang buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Group isang kilong ng shabu ang nakuha sa safe house ni Li Hong Peng sa Buli Muntinlupa City.

Source: RMN

Pangulong Duterte, nagbigay ng 60 days deadline sa mga komunistang grupo


Nagbigay ng 60 araw na palugit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga komunistang grupo para isuko ang kanilang mga armas.

Ayon sa Pangulo, magiging kapalit ng pagsuko ng kanilang armas ang kanilang kalayaan na gumalaw ng normal at ang maayos na pakikitungo sa kanila ng mga sundalo at mga pulis.

Muli ring inimbitahan ng Pangulo si Communist Party of the Philippine Founder Jose Maria Sison na umuwi ng Pilipinas para ituloy ang peace talks.

Giit ng Pangulo, si Sison ang dapat magtungo sa bansa dahil Pilipinas ang kanilang pinag-aawayan.

Aniya, handa niyang sagutin ang pamasahe at pagkain ni Sison kapag bumalik na ito ng Pilipinas.

Source: RMN

Wednesday, April 18, 2018

'Do what is right', Duterte tells new PNP chief


This is the advice of President Rodrigo Duterte to Director Oscar Albayalde who will take over the reins of the 185,000-strong Philippine National Police (PNP) on Thursday.

"Sabi niya, just do what is right. He will not meddle with our organization, with our decisions. He'll not meddle with any positioning, lalong-lalo na sa loob ng PNP," he said in a Bandila DZMM interview.


Albayalde, the outgoing director of National Capital Region Police Office (NCRPO), also vowed to continue the programs of Director General Ronald dela Rosa against illegal drugs and police scalawags.

Dela Rosa, who has led the police force for 21 months, is Albayalde's "mistah" from Philippine Military Academy "Sinagtala" Class of 1986.

"Importante dito is continuity. I will not be staying forever as chief PNP," he said. "Over the years, walang natatapos na trabaho because may kaniya-kaniyang gustong identity."

Albayalde is expected to retire on Nov. 8, 2019.

On his first day as PNP chief on Thursday, a revamp of few key posts in the force is in order.

His position at the NCRPO went to Director Camilo Pancratius Cascolan, chief of PNP's Directorate for Operations.

Cascolan was also a classmate of Albayalde and Dela Rosa during their cadet days.



Asked about his plan on the government's anti-illegal drugs campaign, Albayalde said he will continue the program after it was relaunched in Jan.

"Nakita natin nung ibalik...daming revision ginawa natin diyan. May kasamang human rights officers. May training na mga police natin. 'Yung vetting process natin very strict na. So since that day na binalik, wala tayong nakitang complaint whatsoever from our community," he said.

Data from the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) showed that as of March 20, 2018, 4,075 drug-linked individuals have been killed while 91,704 anti-illegal drug operations have been carried out since Duterte assumed office in July 2016.

Among Albayalde's new tasks is also to get to the bottom of the corruption allegations against four officials of the elite Special Action Force (SAF) over alleged missing P59.8 police funds.

"That's now the subject of investigation...Dapat ibalik sa tao 'yan," he said.

Source: ABS-CBN

De Lima, mananatili pa rin sa kulungan


Mananatili sa kulungan si Senador Leila de Lima.
Ito ay makaraang kilalanin ng Korte Suprema ang hurisdiksyon ng Muntinlupa Regional Trial Court sa drug case na isinampa ng Department of Justice laban sa senadora.

Sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc kaninang umaga, nagpasya ang mga mahistrado na ibasura ang motion for reconsideration ni De Lima.

Una nang iginiit ni De Lima na iligal ang pagpapaaresto sa kanya ng mababang hukuman dahil inilabas ito nang hindi pa naman nadedesisyunan ang inihain niyang motion to quash na kumukuwestiyon sa hurisdiksyon ng lower court sa kanyang kaso.

Iginiit din ni De Lima na ang dapat na nagsagawa ng preliminary investigation sa kanyang kaso ay ang Ombudsman, at kung sakali, ang kaso ay dapat na iniakyat sa Sandiganbayan dahil siya ay mataas na opisyal sa gobyerno.

Pero nanindigan ang Korte Suprema sa nauna nitong desisyon noong October 2017 na ang mga regional trial court ang may hurisdiksyon sa nasabing kaso.

Source: RMN

Nancy Binay, Ikinatuwa ang pagpili ng Facebook sa Rappler at Vera Files


Welcome kay Senator Nancy Binay ang pagpili ng Facebook sa Rappler at Vera Files bilang mga katuwang sa isinasagawa nilang News Fact Checking

Ayon kay Senator Binay, dapat naman talaga na proactive ang Facebook sa paglilinis ng kanilang site.

Aniya, dapat pa nga ay dagdagan nila ang kanilang katuwang sa fact checking dahil tingin niya, ay hindi sapat ang Rappler at ang Vera Files.

Kung hindi aniya magiging progresibo ang hakbang na ito ng Facebook, makabubuting humanap sila ng paraan upang malabananan fake news.

Source: RMN

Tuesday, April 17, 2018

Leni Robredo, humingi ng tawad sa kontrobersyal na Holocaust memorial photo


Humingi ng paumanhin si Vice President Leni Robredo kasunod ng lumabas na larawan niya kasama ang ilang miyembro ng Liberal Party (LP) sa Holocaust Memorial sa Germany.

Ayon kay Robredo, nais niyang mag-sorry kung naka-offend sila o hindi naging sensitibo sa pananaw ng iba.

Ang nasabing larawan ay unang naipost sa twitter ni Ifugao Representative Teddy Baguilat na agad rin niyang inalis.

Una nang umani ng batikos ang umano ay kawalan ng respeto nina Robredo sa mga biktima ng Nazi Genocide sa Europe noong world war II kung saan makikitang sila ay pawang nakangiti sa larawan.

Source: RMN

Pangulong Duterte, Tiniyak na meron na namang masisibak na mga matataas na Opisyal


Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang pang set ng matataas na opisyal ng gobyerno ang kaniyang sisibakin.

Sa kanyang talumpati sa Mass Oath taking ng mga bagong appointees, sinabi ng Pangulo na napilitan siyang sibakin sa pwesto ang mga ito dahil nabahiran na sila ng kalokohan.

Sa katunayan aniya ang iba sa mga ito ay malapit sakaniya.

Una nang sinibak ng Pangulo si Terry Ridon bilang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), Peter Laviña bilang Administrator ng National Irrigation Authority (NIA), Dionisio Santiago bilang Chairman ng Dangerous Drugs Board, at Mike Sueno bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Source: RMN

Leni Robredo, bahagyang lumiit ang lamang ng boto kay Bongbong Marcos


Bahagyang lumiliit ang lamang ni Vice President Leni Robredo kay dating Senador Bongbong Marcos sa nagpapatuloy na vote recount ng 2016 vice presidential election.

Nabatid na nanalo si Robredo matapos maungusan ng 263,463 votes si Marcos kung saan ang official tally ay nakakuha si Robredo ng 14,418,817 votes habang si Marcos ay may 14,155,344.

Ayon sa ilang source mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET), matapos ang recount sa 210 clustered precincts ay lumiit ang lamang ni Robredo sa 258,000.

Pero ayon sa ilang P-E-T insider, mahaba pa ang bilangan pero maikokonsidera na itong substantial recovery o pagbabago sa resulta ng eleksyon.

Magpapatuloy pang bilangan ng high tribunal ang higit 5,800 clustered precincts mula sa ipinoprotestang pilot provinces ni Marcos sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.


Tumangging magkomento si Vice President Leni Robredo sa ulat na 5,000 boto nawala sa kanya kasabay ng manual recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa 2016 vice presidential elections.

Ayon kay Robredo, hindi siya maaring magbigay ng pahayag dahil umiiral ang gag order na inilabas ng Korte Suprema na tumatayong PET.

Aminado ang bise na maraming silang concern sa recount pero hindi nila pwede itong ilahad.

Sa ngayon, patuloy pang binibilang ng high tribunal ang higit 5,800 clustered presincts mula sa ipinoprotestang pilot provinces ni dating Senador Bongbong Marcos sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Source: RMN

Monday, April 16, 2018

Mga murang bigas, nagsimula nang i-deliver sa mga service outlets


Asahan na ang steady supply o tuloy tuloy na bentahan ng murang bigas.

Dumating na sa bodega ng NFA sa Visayas Avenue, Quezon City ang 13 cargo trucks na may kargang 400 hanggang 800 bags ng regular milled rice mula sa Nueva Ecija.

Ito ay bahagi ng tulong sa bayan commitment ng mga rice traders na unang nakapulong ni President Rodrigo Duterte.


Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, mabibili na ang 39 pesos per kilo na bigas sa mga service outlets na tinukoy sa Baclaran at sa mga palengke sa Quezon City katulad ng Commonwealth, LITEX, Silangan Payatas at Sauyo Market Susano Market Greenfield 1.

Magsisimula namang marandaman sa ibang palengke sa NCR ang murang bigas sa April 18.

Ayon sa Grains Retailers Association of the Philippines o GRECON, mga accredited rice retailers ang papayagang direktang magbenta sa mga consumers.

Upang matiyak na makikinabang ang marami sa murang bigas, lilimitahan lamang sa 3 kilos per custumer ang bebentahan.

Ayon kay Victor Del Rosario ng Nueva Ecija Rice Millers, lugi na sila sa 39 pesos dahil 42 pesos sana ang benta nila.

Pero, handa silang magsakripisyo hanggang wala pa ang imported rice.

Source: RMN

Dapat iprotesta ng mga DDS ang pagkakapili ng Facebook sa Rappler bilang fact checker


Hinikayat ng Palasyo ng Malacanang ang mga Duterte diehard Supporters o DDS na iprotesta sa Facebook ang pagpili nito sa Rappler bilang isa sa mga Third Party Fact Checkers sa mga lumalabas na balita sa Facebook.

Nabatid na bukod sa Rappler ay napili din ng Facebook ang Vera Files na magsala ng mga ipinopost ng mga Facebook users.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dapat ay ipakita ng mga DDS ang kanilang pagkontra sa hakbang ng Facebook at sabihin na mali ang kanilang napiling third party checker na sumusuri sa mga balita sa Facebook.

Binigyang diin ni Roque na mismong ang Rappler ang nagkakalat ng Fake news at hindi dapat pumayag ang mga DDS ito ang ang Vera Files ang magsasagawa ng fact checking.

Sinabi din ni Roque na maging siya ay nabiktima ng Fake News ng Rappler kung saan inilabas nito na sinabi niya na bawal magsagawa ng scientific research ang mga Pinoy sa Philippine Rice gayong ang sinabi niya ay maaari silang magsagawa ng research at hindi na kailangan pang kumuha ng permit.

Source: RMN

Saturday, April 14, 2018

Baguio City, kasama sa nangangailangan ng rehabilitasyon


Kinumpirma ni Tourism Secretary Wanda Teo na kasama ang Baguio City sa listahan ng mga tourist spot na nangangailangan din ng rehabilitasyon.

Ayon kay Teo, ang tinaguriang “summer capital of the Philippines” ang posibleng isunod na isailalim ng pamahalaan sa assessment dahil sa pinsala sa kapaligiran nito.

Paliwanag pa ng kalihim, hindi lamang mga kilalang beach sa bansa kundi lahat ng tourist spot ay titingnan nila.

Ang Baguio City ay isa sa lugar na itinuturing na pinaka-polluted o may pinakamaruming hangin sa bansa dahil sa dami ng sasakyan na tumatakbo sa mga lansangan nito.

Sa April 26 nakatakdang ipasara ng pamahalaan sa lahat ng turista ang Boracay Island para sa isailalim sa 6-buwang rehabilitasyon.

Tulad ng Boracay, ang Baguio ay isa sa lugar sa Pilipinas na dinadagsa ng tinatayang 500 libong turista tuwing bakasyon.

Source: ABANTE

Pangulong Duterte, sinabihan si CJ Sereno ng ignorante at bobo


Direktang sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ignorante at bobo.

Sa pagdating sa bansa ng Pangulong Duterte kaninang madaling araw sa Davao International Airport matapos ang kanyang pagbisita sa Hong Kong – inupakan ng Pangulo si Sereno kaugnay sa batikos nito sa inihaing quo warranto petition ni Solictor General Jose Calida.


Ayon sa Pangulo – kaya niya kinastigo si Sereno sa publiko ay dahil sa pagiging ignorante nito.

Aniya, dapat ay noon pa ay pinaalis na sa pwesto si Sereno dahil sa kawalan nito ng alam sa batas.


Matatandang ipinanawagan ng Pangulo noong Lunes sa Mababang Kapulungan ang mas mabilis na pagpapatalsik kay Sereno sa pwesto.

Pero, paglilinaw ni Duterte – ang kanyang apela noong Lunes ay para lamang sa kanyang mga kapartido at hindi mismong sa kongreso.

Nilinaw din ng Punong Ehekutibo na hindi niya gustong ipakulong si Sereno at nais lamang na paalisin sa pwesto.

Source: RMN

Friday, April 13, 2018

Mataas na ratings ni Pangulong Duterte, "artificial" lamang – Oposisyon


Tinawag na artipisyal ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang latest SWS survey ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakakuha ng 70% gross satisfaction ratings ang Pangulo ngayong 1st quarter ng 2018 kung saan isang puntos lamang ang ibinaba nito noong December 2017.

Ayon kay Villarin, nanatili pa rin ang mataas na ratings ng Pangulo dahil sa paggana ng mga makinarya nito para mas lalo pang mapalakas ang suporta ngayong papalapit na rin ang eleksyon.

Pero sa kabila nito sinabi ni Villarin, bumagsak naman ang ratings ng Pangulo sa Luzon mula 50% ngayon ay 39%, at sa Metro Manila mula 55% ngayon ay 54%.

Giit ni Villarin, tiyak na bababa pa ang ratings dahil mararamdaman lalo ng mga taga Luzon at NCR ang epekto ng mga polisiya ng administrasyon partikular sa usapin ng charter change, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kakulangan ng suplay sa bigas, problema sa trapiko, at ENDO.

Source: RMN

Thursday, April 12, 2018

Hirit ni Robredo na gawing valid vote ang 25% shading sa balota, ibinasura ng PET



Hindi pinagbigyan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang hiling ng kampo ni Vice President Leni Robredo na ikonsidera bilang valid vote ang 25-percent na shading sa balota.

Sa resolusyon ng PET, tinukoy nito na wala umanong batayan para ipatupad ang 25-percent threshold sa pagtukoy ng valid vote.

Sa mosyon ni Robredo, ginawa nitong batayan sa kahilingan ang 2018 Revisors Guide, Random Manual Audit Visual Guidelines at Random Manual Audit Report kung saan ipinatupad umano ng Comelec ang 25-percent threshold percentage.

Pero ayon sa PET, inacurrate o hindi tama ang argumentong ito ni Robredo.

Paliwanag ng PET, wala itong nalalaman na alinmang Comelec Resolution na nagtatakda ng 25-percent threshold sa shading ng balota para ituring na valid vote.

Hindi umano maaring ituring ng Comelec ang Random Manual Audit Guidelines and Report bilang katibayan ng 25-percent threshold.

Hindi rin umano ito matatagpuan sa Comelec Resolution 8804 na nagsasabing ang alinmang shading na hindi aabot sa 50-percent ay hindi ikokonsidera bilang valid vote.



At kahit inamiyendahan umano ang panuntunang ito ng Comelec sa pamamagitan ng Resolution Number 9164 kung saan inalis ang 50-percent threshold, hindi naman nagpatupad ng bagong threshold ang Comelec.

Sa ilalim naman ng 2018 Revisors Guide, wala ring bagong threshold na ipinatupad.

Tinukoy pa ng PET na walang batayan ang paniniwala ng kampo ni Robredo na mayroong sistematikong pagbawas sa mga boto ni Robredo at ang argumentong ito ay nagpapakita lamang na hindi nauunawaan ng kanyang kampo ang proseso ng revision.

Ayon sa PET, ang final reduction at final addition sa mga boto ay mangyayari lamang kapag nadesisyunan na ng tribunal ang mga objections ng mga partido sa kaso.

Wednesday, April 11, 2018

SWS: President Duterte keeps 'very good' net satisfaction rating



President Rodrigo Duterte kept a "very good" net satisfaction rating despite a 2-point drop in the first quarter of 2018, according to the latest Social Weather Stations (SWS) survey released Wednesday.

Seventy percent of adult Filipinos are satisfied with Duterte's performance, lower by one point from his December 2017 gross satisfaction rating of 71 percent, the survey revealed.

This is equivalent to a +56 net satisfaction rating, slightly lower than Duterte's +58 December rating.



Fourteen percent of Filipinos, meanwhile, said they are dissatisfied, higher by just a point from the last survey result, and 17 percent said they are undecided.

The President's satisfaction rating in Mindanao rose by 2 points at +82 from +80, equivalent to "excellent." He maintained a "good" to "very good" rating in Metro Manila (+54), Balance Luzon (+39), and Visayas (+65).

Among social classes, Duterte's net satisfaction rating among Classes A, B, and C also remained "very good" at +63 despite a 3-point decrease from December's +66.

It also stayed unchanged at "very good" in class D or the masa.

Duterte's satifaction rating among those in class E, however, fell from "very good" to "good" with a 17-point decrease from December's +65. It was +48 in March 2018.

The first quarter poll, conducted from March 23-27, was done using face-to-face interviews of 1,200 adults nationwide. It has a margin of error of plus/minus 3%.

Read More

Mga ballot box na walang voters’ receipts, nadiskubre ng ilang revisor ng PET


Nadiskubre ng mga revisor ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na ilang ballot boxes mula sa bayan ng Balatan, Camarines Sur ay walang voters’ receipts.

Ito ay bahagi pa rin ng manual vote recount sa 2016 vice presidential elections ukol sa electoral protest ni dating Senador Bongbong marcos laban kay vice president leni robredo.

Ang voters’ receipts ay mahalagang election document na dapat nakalagay sa loob ng mga ballot box.

Ayon sa mga revisors na hindi na nagpabanggit ng pangalan, ang pagkawala ng mga voters’ receipts ay nangangahulugan lamang na hindi na-transmit ng Vote Counting Machines (VCM) ang mga binoto ng isang botante.

Indikasyon din ito na tinanggal o hindi isinama ang mga nasabing resibo dahil ang mga boto ay hindi nakasama sa bilang ng VCM.

Paglabag din ito sa direktiba ng PET sa Commission on Elections (COMELEC) na isama ang mga resibo sa mga ballot box kapag nai-turn over ito sa hukuman.

Hindi naman makapagkomento ang kampo nina Robredo at Marcos dahil sa gag order na inisyu ng PET.

Monday, April 9, 2018

Kinontra ni De Lima ang planong drug testing sa mga kandidato sa Barangay at SK Elections


Sa tingin ni Senator Leila De Lima, mali ang bwelo ni Police Director Oscar Albayalde bilang susunod na hepe ng Philippine National Police o PNP.

Pagkontra ito ni De Lima sa isinusulong ni Albayalde na drug testing sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections.

Giit ni De Lima, ang panukala ni Albayalde ay laban sa mga mahihirap, labag sa equal protection, at hindi patas dahil ang target lang nito ay mga kandiato sa barangay level.

Punto ni De Lima, dapat ay isailalim din sa drug testing maging ang mga kandidato sa national level kasama ang mga tatakbo sa pagkapangulo.

Dagdag pa ni De Lima, hindi dapat mamili si Albayalde sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga kaya mas mabuting unahing isailalim sa drug testing si Pangulong Rodrigo Duterte.

At kung bumagsak aniya ang pangulo sa drug test ay dapat agad irekomenda ni albayalde ang pagtanggal dito sa pwesto.

Source: RMN

Trillanes: "Banat ni Duterte kay Sereno drama lang"


Sinabi ni Senado Antonio Trillanes na drama lang ang deklarasyon ni Pangulong Duterte na kaaway na siya mula ngayon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon dito, ang pangulo naman ang tunay na pasimuno ng pagkilos para mapatalsik si Sereno sa pwesto.

“Puro sila drama. Siya naman talaga ang nasa likod n’yan,” ani Trillanes.


Una nang sinabi ng pangulo na tutulong na siyang mapaalis si Sereno sa puwesto dahil sa inis sa paulit-ulit na bintang na siya ang nagpapa-impeach dito.

Idiniin ni Duterte na maraming beses na niyang sinabi na hindi siya makikialam sa pagpapa-impeach ng Kamara kay Sereno pero ipinipilit aniya ito ni Sereno.


Dahil dito, sinabi ng pangulo na hihilingin niya kay House Speaker Pantaleon Alvarez na bilisan na ang pagpapaakyat sa Senado ng articles of impeachment laban kay Sereno na aniya ay masama para sa Pilipinas.

Source: ABANTE

Pangulong Duterte, Land reform ang gagawin sa Boracay hindi pagtatayo ng Casino


Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na iniutos niya ang pagtatayo ng casino sa Boracay island.

Sa kanyang departure speech, nilinaw ng Pangulo na wala siyang direktiba na magtayo ng anumang istruktura kahit na bahay kubo.

Sa halip aniya, iniutos ng Pangulo na linisin ang isla kung saan balak niya itong isailalim sa land reform matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.

Iginiit din ni Pangulong Duterte na agricultural land ang Boracay kaya ibabalik nito sa mga magsasaka kapag natapos na ang paglilinis doon.

Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na maglalabas siya ng proklamasyong magsasailalim ng isla sa state of calamity para magamit sa mga maaapektuhang mahihirap ang P2 billion calamity fund.

Source: RMN

Pangulong Duterte, pinamamadali ang impeachment complaint laban kay CJ Sereno


Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang impeachment process laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sabi ni Pangulong Duterte, hindi siya nangingialam pero dahil mapilit si Sereno sa paninisi sa kanya kaya siya na mismo ang tutulong at magsusulong para matanggal ito sa pwesto.

Aniya, inaabisuhan na niya si Sereno na siya ay kaaway niya at sasabihan si Solicitor General Jose Calida na galingan sa quo warranto petition na inihain sa Korte Suprema.

Iginiit din ni Pangulong Duterte na masama para sa Pilipinas si Sereno kaya dapat lang itong mapatalsik sa posisyon.

Source: RMN

Sunday, April 8, 2018

Pangulong Duterte, Hindi titigil sa pagsibak ng mga korap at abusadong opisyal sa gobyerno


Hindi magsasawang sibakin ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang ilang opisyal ng gobyerno na sangkot sa korupsiyon at umabuso sa kanilang ka­pangyarihan hanggang sa maubos ang mga ito.

Ito ang ibinabala ni Pangulong Rodrigo Du­terte sa kanyang birthday dinner sa Sofitel, Pasay City na mismong araw kung saan tinanggap niya ang resignasyon ni Jus­tice Secretary Vitaliano Aguirre II.


“I’ll be firing about one under­secretary, one after the other. Ubusin ko talaga ‘yan. And to think, in fairness also to President Aquino and to President Arroyo, so far, ang lahat nabigyan ko ‘yung tao. Even the cabinet member, the first to go mga tao ko,” babala ni Duterte.

Bagama’t, hindi nag­bigay ng detalye ang pa­ngulo, inamin niya na dis­mayado na siya sa mga isyu ng katiwalian bawat araw partikular kung sino pa ang mga tao na nagtu­lak sa kanya para tumak­bong pangulo.

“And sometimes ‘yung… ‘Yun pala sila rin. ‘Yung that’s my lament. My la­mentation is ‘yung mga tao na nag-push sa akin na kailangan ng change, ganun-ganun, ‘yun lang rin ang mga p***** i**** na nag-uuna nang pu­masok ng kaloko­han,” ngitngit ni Du­terte. “Kaya I will admit to you I’m no better than the rest of the Filipinos. Dis­mayed sa — as it is un­folding every­day,” ayon pa sa pangulo.

Dagdag pa ni Duterte na hindi naman perpekto ang kanyang admi­nistras­yon at hindi niya maiku­kumpara ang kasaluku­yang gobyerno sa termi­no ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Ar­royo at ayaw naman niyang ikumpara sa administras­yon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Source: BULGAR