Sunday, April 29, 2018

Alejano: Duterte administration, ampaw!


Binanatan ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano ang 60-40 na hatiang inialok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa joint exploration sa West Philippine Sea.

Ayon kay Alejano, hindi lamang ito matatawag na unconstitutional kundi pagtataksil rin sa bayan.

Binigyang diin ng kongresista na malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na ang exploration, development, at utilization ng likas na yaman ay dapat solo at nasa buong kontrol at superbisyon ng Pilipinas.


Nalinaw rin anya ang desisyon ng arbitral tribunal na walang overlapping entitlements ang China sa West Philippine Sea.

Sa katunayan, ang 9-dash line claim anya nito ay deklaradong invalid.

Sabi ni Alejano, katangahan na ibahagi sa iba ang sariling teritoryo at yaman na eksklusibong pagmamay-ari ng bansa.

Mas lalo anyang hindi dapat gawing katuwang ang China na kilalang island-grabber.

“Maliwanag ang intensyon ni Duterte – ibenta at ipamigay ang ating teritoryo. Where is assertion of our rights here? What I see is treason as the President of this nation and as a Filipino,” ani Alejano.

“The Duterte administration can be described as an “AMPAW” administration”. Kung sa pagkain, ampaw dahil walang laman at puro palabas at pangako lamang. Kung sa kulturang Tsino naman, ampaw dahil naabutan na ng pulang sobre,” dagdag ng kongresista.

Source: ABANTE

Related Articles

Alejano: Duterte administration, ampaw!
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email