Saturday, April 14, 2018

Baguio City, kasama sa nangangailangan ng rehabilitasyon


Kinumpirma ni Tourism Secretary Wanda Teo na kasama ang Baguio City sa listahan ng mga tourist spot na nangangailangan din ng rehabilitasyon.

Ayon kay Teo, ang tinaguriang “summer capital of the Philippines” ang posibleng isunod na isailalim ng pamahalaan sa assessment dahil sa pinsala sa kapaligiran nito.

Paliwanag pa ng kalihim, hindi lamang mga kilalang beach sa bansa kundi lahat ng tourist spot ay titingnan nila.

Ang Baguio City ay isa sa lugar na itinuturing na pinaka-polluted o may pinakamaruming hangin sa bansa dahil sa dami ng sasakyan na tumatakbo sa mga lansangan nito.

Sa April 26 nakatakdang ipasara ng pamahalaan sa lahat ng turista ang Boracay Island para sa isailalim sa 6-buwang rehabilitasyon.

Tulad ng Boracay, ang Baguio ay isa sa lugar sa Pilipinas na dinadagsa ng tinatayang 500 libong turista tuwing bakasyon.

Source: ABANTE

Related Articles

Baguio City, kasama sa nangangailangan ng rehabilitasyon
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email