Leni Robredo, bahagyang lumiit ang lamang ng boto kay Bongbong Marcos


Bahagyang lumiliit ang lamang ni Vice President Leni Robredo kay dating Senador Bongbong Marcos sa nagpapatuloy na vote recount ng 2016 vice presidential election.

Nabatid na nanalo si Robredo matapos maungusan ng 263,463 votes si Marcos kung saan ang official tally ay nakakuha si Robredo ng 14,418,817 votes habang si Marcos ay may 14,155,344.

Ayon sa ilang source mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET), matapos ang recount sa 210 clustered precincts ay lumiit ang lamang ni Robredo sa 258,000.

Pero ayon sa ilang P-E-T insider, mahaba pa ang bilangan pero maikokonsidera na itong substantial recovery o pagbabago sa resulta ng eleksyon.

Magpapatuloy pang bilangan ng high tribunal ang higit 5,800 clustered precincts mula sa ipinoprotestang pilot provinces ni Marcos sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.


Tumangging magkomento si Vice President Leni Robredo sa ulat na 5,000 boto nawala sa kanya kasabay ng manual recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa 2016 vice presidential elections.

Ayon kay Robredo, hindi siya maaring magbigay ng pahayag dahil umiiral ang gag order na inilabas ng Korte Suprema na tumatayong PET.

Aminado ang bise na maraming silang concern sa recount pero hindi nila pwede itong ilahad.

Sa ngayon, patuloy pang binibilang ng high tribunal ang higit 5,800 clustered presincts mula sa ipinoprotestang pilot provinces ni dating Senador Bongbong Marcos sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Komentar