Saturday, April 7, 2018

Pangulong Duterte, tiniyak na walang isusuko sa China


Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga agam-agam kaugnay sa nakatakda nilang muling pag-uusap ni Chinese President Xi Jin Ping sa susunod na linggo sa pagdalo nito sa isang business forum sa China.

Sinabi ng Pangulo na marami silang pag-uusapan ng Chinese President na makakatulong at mapapakinabangan ng sambayanan.

Pero tiniyak ng Pangulo na anumang pabor ang makukuha sa China ay wala itong ibibigay na kapalit, at lalong walang isusuko kahit pa mainit ang isyu ng arbitral ruling sa West Philippine Sea at Philippine Rise.


Binigyang-diin ng Presidente na walang maaaring umapak sa Philippine Rise nang walang permiso mula sa gobyerno.

Kapag may magtangka aniya ay magkakamatayan dahil hindi papayagan ng gobyerno na pakialaman ang Philippine Rise.

“I’ve been invited to a business forum in China. Marami kaming pag-uusapan. They are beginning to… May pera na konti to start with. But I’m not surrendering anything.

“Yung issue sa Philippine Rise, my reaction was viru–well, not really virulent, but suplado. I said, ‘Nobody goes there without our permission. You go there, do something, it’s going to be war. Mamamatay man kami, bahala na, but do not touch anything there’,” anang Pangulo.

Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Duterte sa China para dumalo sa Boao Forum for Asia simula Abril 9-10.

Pagkatapos ng China ay didiretso ang Pangulo sa Hong Kong para naman sa isang working visit at makausap ang Filipino community.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte, tiniyak na walang isusuko sa China
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email