Trillanes: "Banat ni Duterte kay Sereno drama lang"


Sinabi ni Senado Antonio Trillanes na drama lang ang deklarasyon ni Pangulong Duterte na kaaway na siya mula ngayon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon dito, ang pangulo naman ang tunay na pasimuno ng pagkilos para mapatalsik si Sereno sa pwesto.

“Puro sila drama. Siya naman talaga ang nasa likod n’yan,” ani Trillanes.


Una nang sinabi ng pangulo na tutulong na siyang mapaalis si Sereno sa puwesto dahil sa inis sa paulit-ulit na bintang na siya ang nagpapa-impeach dito.

Idiniin ni Duterte na maraming beses na niyang sinabi na hindi siya makikialam sa pagpapa-impeach ng Kamara kay Sereno pero ipinipilit aniya ito ni Sereno.


Dahil dito, sinabi ng pangulo na hihilingin niya kay House Speaker Pantaleon Alvarez na bilisan na ang pagpapaakyat sa Senado ng articles of impeachment laban kay Sereno na aniya ay masama para sa Pilipinas.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Komentar