Thursday, May 31, 2018

Hontiveros, pinapa-imbestigahan ang kontrata ng security firm ng pamilya ni Calida sa gobyerno


Inihain ngayon ni Senator Risa Hontiveos ang Senate resolution number 760 na nagsusulong ng imbestigasyon kaugnay sa umano ay 150-million pesos na halaga ng kontrata sa gobyerno na nakuha ng security firm na pag-aari ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida.

Inaatasan sa resolution ni Hontiveros na magsagawa ng pagdinig ang Committee on Civil Service and Government Reorganization na pinamumunuan ni Senator Antonio Trillanes IV.

Tinukoy sa resolusyon ang nakasaad sa article 7, section 13 ng 1987 constitution na ang pangulo at iba pang opisyal ng ehekutibo ay hindi dapat maging parte ng anumang negosyo o kontrata sa gobyerno.

Diin ni Hontiveros, malinaw na may iregularidad na naganap at conflict of intrest makaraang aminin umano mismo ni Calida na Hindi pa niya nada-divest o nabibitawan ang kanyang intres sa nabanggit na negosyong pinapatakbo ng kanyang asawa at anak.

Source: RMN

Tuesday, May 29, 2018

Pangulong Duterte kay Rudolf Jurado: P*t@** Ina mo, you're fired


President Rodrigo Duterte has fired government corporate counsel Rudolf Philip Jurado for allegedly issuing a legal opinion that would justify the grant of a 75-year gaming franchise to a free port locator in Aurora.

Duterte in a speech in Malacañang sought Jurado before spewing expletive-laden remark.

"May I call the government corporate counsel now. Are you in this... Nandito ka?" Duterte said after he signed the law on the ease of doing business in the country.

"Kasi kung nandito ka, lumabas ka p— ina. You are fired. I do not need you and maybe you do not need me," he added.

The President indicated Jurado can be replaced anytime, saying there are "thousands of lawyers there waiting for an appropriate opportunity to work in government."

Duterte criticized Jurado's supposed legal opinion that the Aurora Pacific Economic Zone (APECO) can issue online gambling permits outside its territorial jurisdiction.

"When you are granted a franchise to conduct gambling in a certain facility, it does not include farming out that franchise to other cities and provinces," the President said.

"Kasi pagka ganun then you can ramble on following your theory, you can ramble on to give permits beyond the shores of Luzon and you can do it in Siasi, Jolo. Kung hindi ka pa naman g___. So you are just like a PAGCOR operating an independent entity with the same powers na you grant everything."

In a statement, Jurado said he accepts the President's decision.

"I accept and respect our President's decision. As an appointee who serves under his pleasure, I am honored to have been given a chance to serve under his administration," he said.

Days before he was fired by the President, Jurado disputed the allegations made by anonymous lawyers from within the office he leads, alleging some subordinates received "secret" allowances from state-owned corporations.

He also said there was no corruption involved in the legal opinion he rendered as regards APECO.

A son a former magistrate, Jurado was appointed to the post in April last year. He previously served as legal counsel for watchdog Volunteers Against Crime and Corruption, a group supportive of Duterte and his tough campaign against criminality.

Source: GMA News

Trillanes, kinompronta si Jacinto Paras


Kinumpronta ni Senador Antonio Trillanes IV si Labor Undersecretary Jacinto Paras na nagkaso sa kaniya ng inciting to sedition.

Ayon kay Trillanes, nangyari ito nang tangkain ng opisyal na makipagkamay sa kaniya sa Senado.

Paglilinaw naman ni Trillanes, na hindi niya dinuro si Paras.

Nanindigan naman si Paras na tatlong ulit siyang binalikan ni Trillanes at dinuro.

Giit pa ni Paras, muli siyang dinuro ni Trillanes nang magkasabay sila papunta sa elevator.

Nahaharap si Trillanes sa kasong inciting to sedition matapos siyang ireklamo ni Paras noong November 2017 kaugnay ng privilege speech ng senador kung saan sinabi niya na baka mabaril ng mga sundalo si Duterte.

Source: RMN

Monday, May 28, 2018

Kampo ni De Lima maghahain ng motion for reconsideration sa pagbasura ng pansamantalang kalayaan


Maghahain ng motion for reconsideration (MR) ang kampo ni Senadora Leila de Lima sa korte makaraang ibasura ang hirit nitong furlough.

Ayon kay Atty. Boni Tacordon legal counsel ng senadora ihahain nila ngayong araw ang apela sa sala ni Muntinlupa city Regional Trial Court Presiding Judge Amelia Fabros-Corpuz.

Sa desisyon kahapon ni Judge Corpuz sinabi nito na hindi dapat bigyan ng VIP treatment o ibang pagtrato ang senadora.

Maaari ding malagay sa panganib ang seguridad ng mga estudyante ng San Beda College – Alabang kapag sumipot si De Lima sa nasabing graduation ceremony

Sa halip pinayuhan na lamang ng korte ang mga kaanak nito na kuhanan ng video ang graduation rites at ipapanood sa nakaditeneng senadora.

Nabatid na magtatapos ng abugasya ang anak nitong si Vincent Joshua de Lima Bohol sa San Beda College – Alabang sa darating na Hunyo 3

Source: RMN

De Lima, Ibinasura ang kanyang hiling na pansamantalang kalayaan


Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang hirit na “furlough” ni Senador Leila De Lima para makadalo sa graduation ng kanyang bunsong anak sa June 3.

Nagbigay ang korte ng anim na dahilan sa pagtanggi sa hiling ng senadora kabilang ang posiblidad na makagulo lang siya sa pagtatapos ng anak dahil sa pagiging “public figure” nito at ang posibleng panggugulo sa okasyon ng kanyang mga taga-suporta.


Naniniwala rin ang korte na maaaari namang panoorin ng senadora ang nasabing seremonya sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ikinalungkot naman ng kampo ni De Lima ang naging pasya ni Judge Amelia Fabros-Corpuz.

Ayon kay Atty. Boni Tacardon, plano ng kampo nila na maghain ng motion for reconsideration para kontrahin ang mga inilatag na basehan ng korte sa pagbasura sa kahilingan ng senadora.

Umaasa si Tacorda na maiintindihan ng korte na ang gusto lamang ni De Lima ay makapiling ang kanyang anak sa importanteng okasyon ng graduation nito.

Una nang humirit si De Lima na makalabas ng PNP Custodial Center para makadalo sa imbestigasyon ng senado sa pagkamatay ni Kian delos Santos at para sumailalim sa medical check-up na pinagbigyan naman ng korte.

Ang anak ni De Lima ay nakatakdang magtapos sa San Beda Law School sa June 3.

Source: ABANTE

Hontiveros, hinamon si Pangulong Duterte na sibakin at kasuhan si Calida


Hinamon ngayon ni Senator Risa Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte na patunayang totoo ang kampanya nito laban sa korapsyon.

Ayon kay Hontiveros ito ay sa pamamagitan ng pagsibak ng Pangulo at pagsasampa ng kaso laban kay Solicitor General Jose Calida.

Pahayag ito ni Hontiveros makaraang lumabas ang report na napunta sa pag-aaring security agency ng pamilya ni Calida ang 150-million pesos na kontrata sa pamahalaan.

Diin ni Hontiveros, mahalagang masibak at makasuhan si Calida para maibangon ang mga nadungisang institusyon sa bansa.

Giit pa ni Hontiveros, sakaling sibakin si Calida ay hindi ito dapat i-recycle ng Pangulo katulad ng ginawang pagtatalaga sa ibang pwesto sa gobyerno ng mga naunang opisyal na sinibak nito.

Source: RMN

Sunday, May 27, 2018

Naghain ng panukala ang Makabayan bloc para itaas sa P750 ang national minimum wage


Naghain ang Makabayan bloc sa Kamara ng House Bill 7787 na layong gawing P750 ang national minimum wage sa lahat ng mga empleyado sa bansa mula sa kasalukuyang P512.

Ang pagtataas sa minimum wage ay bunsod na rin ng patuloy na pagsirit sa presyo ng langis at produktong petrolyo sa bansa dulot ng TRAIN.

Layunin ng panukala na pagtataas sa minimum wage na makaagapay sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Maliban sa isa itong solusyon para tugunan ang negatibong impact ng TRAIN law, nais din ng Makabayan na kilalanin sa pamamagitan ng pagtataas ng minimum wage ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Giit pa ng Makabayan, hindi bago o radical na panukala ang hirit na taasan ang minimum wage dahil ito ay salig na rin sa Wage Rationalization Act noong Aquino Administration.

Source: RMN

Atty. Larry Gadon, nais ipatanggal ang larawan ng mag-asawang Aquino sa limang daang piso


Nais ding ipatanggal ng abugadong si Atty. Larry Gadon ang larawan ng mag-asawang Benigno “Ninoy” Aquino at Corazon Aquino sa limang daang piso.

Sa interview ng RMN DZXL Manila, sinabi ni Gadon na parehong walang nagawa ang mag-asawang Aquino sa bansa kung saan kwestyunable pa ang pagiging presidente ni Cory.


Una nang naghain ng petisyon si Gadon sa Malacañang upang ipabalik ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa dati nitong pangalan na Manila International Airport (MIA).

Ayon kay Gadon na wala namang karapatan si Ninoy para ipangalan sa kanya ang pambansang paliparan sa bansa dahil kung tutuusin ay maituturing siyang traydor.

Marami pa aniyang ginawang pagsisinungaling si dating Sen. Aquino kabilang na ang Jabidah Massacre.


Noong 1961 nakilala ang Manila International Airport (MIA) pero pinapalitan ito noong 1987 sa NAIA ni dating Pangulong Cory Aquino.

Tiwala naman si Gadon na papaboran ng kongreso ang kanyang petisyon pero maaari rin siya aniyang magpasaklolo sa Korte Suprema.

Source: RMN

Malacañang, hinamon ang mga kritiko ni Pangulong Duterte na lusubin ang China


Hinamon ng Malacañang ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang China.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magtipon-tipon sila sa isang barko at lusubin ang China.

Dagdag pa ni Roque, kapag naubos sila ay matatahimik na ang bayan.

Duda rin si Roque na tutulong ang Estados Unidos sa problema ng Pilipinas sa West Philippines Sea.

Naniniwala rin siya na ang nilagdaang mutual defense treaty na nilagdaan ng Pilipinas at U.S. ay hindi kukumbinsi sa Amerika na pumanig sa Pilipinas.

Source: RMN

Friday, May 25, 2018

Pagpapatawag ng imbestigasyon ni Trillanes sa nangyaring Marawi siege, pamumulitika lang - Palasyo


Inalmahan ng Palasyo ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na nagsabing isang taon na ang lumipas ay pa ring nai-pi prisintang master plan ang gobyerno para sa pagbangon ng Marawi City.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala sanang Task Force Bangon Marawi kung walang ginagawa at walang plano ang gobyerno para sa pagsasaayos sa napadapang siyudad.


Sa katunayan, sinabi ni Roque na 70% na ng mga bakwit ang nakabalik na sa kanilang mga tahanan, at mas nauuna pa aniya ang isinasagawang rehabilitasyon kaysa sa timeline nito.

Inisa -isa rin ni Roque ang mga proyektong ginagawa ng gobyerno na bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi City, kabilang na ang mga pabahay na tinitirhan na ngayon ng mga bakwit, eskwelahan, community centers, place of worships, at hanapbuhay sa mga residente.


Sa katunayan, ayon kay Roque 47 mga eskwelahan sa Marawi City ang magbubukas ng klase ngayong school year.

Kaugnay nito, nakahanda aniyang makipag tulungan ang gobyerno, kasama na ang Task Force Bangon Marawi sakaling matuloy ang pagpapatawag ng imbestigasyon sa Senado.

Source: RMN

Pangulong Duterte, hindi bibigay sa mga nag-uudyok na makipag-away sa China


Muling pinanindiganan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya bibigay sa anumang pamimilit upang makipag-away sa China.

Ayon sa Pangulo, mayroong iba pang problema na mas dapat niyang atupagin kaysa sa pagdi- deklara ng giyera sa China.

Ilan sa mga ito, ay ang terorismo sa Mindanao dulot ng teroristang grupo na ISIS.

Kung makikipag-away aniya ang Pilipinas sa China, at sumabay pa sa eksena ang ISIS, tanong ng Pangulo, saan na pupulutin ang bansa.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na hindi ito ang panahon para sa pagyayabang lalo na’t wala naman aniya talaga tayong kakayahang makipag-giyera sa China.

Source: RMN

Thursday, May 24, 2018

Pangulong Duterte papatayin si Sison kapag walang nangyari sa peace talks


Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin si Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison kapag walang nangyari sa peace talks na gagawin sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na binigyan niya ng dalawang buwan ang kilusang komunista para magkasundo sa peace talks.

Magsisilbi aniyang “make or break” ang ibinigay na palugit kay Sison at kapag walang nangyari ay ihahatid niya ito sa airport para makalabas ng bansa.


Pagsasabihan ng Pangulo si Sison na huwag ng bumalik sa bansa dahil papatayin niya ito.

Marami na aniyang sundalo at pulis na napatay ng kilusang komunista kaya dapat lang na gawin din ito kay Sison kapag bumalok ng bansa.

“I have invited Sison to come home. He has agreed. I gave him the window of two months, very small make or break tayo dito. I will see to it and will personally maybe escort him to the airport pag walang nangyari sa two monts . I will allow him to go out, I will not arrest him because word of honor yan. But sabihin ko talaga sa kanya P****i***mo, wag ka nang bumalik dito papatayin talaga kita. Pag walang nangyari, sasabihin ko sa kanya do not ever ever return to the Philippines i will kill you.You have killed so much of my soldiers and policemen ,” anang Pangulo.

Matatandaang nag-alok ang Presidente na sa Pilipinas gawin ang peace talks at sasagutin niya ang accomodation at pagkain ni Sison at mga kasama nito kasabay ang pagtiyak na hindi ito aarestuhin pag-uwi sa bansa.

Source: ABANTE

Wednesday, May 23, 2018

Sister Fox kailangang umalis ng Pinas sa Mayo 25 - Bureau of Immigration


Mayroon na lamang hanggang bukas, May 25, si Sister Patricia Fox para umalis ng Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), final ang executory na kasi ang pagbawi ng ahensya sa kanyang missionary visa.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na ang visa forfeiture order ay natanggap ng kampo ni Sister Fox batay sa kanilang record noong April 25 at sa nabanggit na petsa magsisimula ang pagbibilang ng 30 araw na utos ng BI kay Sister Fox para umalis ng Pilipinas.


Dahil dito, mayroon na lamang hanggang May 25 o hanggang bukas ang Australyanong madre para tumalima sa utos ng BI.

Samantala, nanindigan din ang BI na hindi nila napagkaitan ng due process si Sister Fox nang sila ay magdesisyon na kanselahin ang kanyang missionary visa.

Iginiit ng BI Board of Commissioners na wala ring batayan ang argumento ni Sister Fox sa kanyang apela na wala silang sinasandalang matibay na ebidensya na siya ay nakiisa sa mga political activities sa Pilipinas.

Ayon sa BI, ilan sa mga aktibidad ni Sister Fox ay hindi na kasali sa mga aktibidad na pinahihintulutan ng ahensya nang siya ay bigyan ng missionary visa.

Ilan pa umano sa mga aktibidad ng madre ay hindi nangyari sa Barangay Amihan sa Lungsod ng Quezon, ang lugar kung saan sinabi niyang isasakatuparan niya ang kanyang missionary works nang siya ay mag-aplay para sa kanyang visa.

Paglilinaw pa ng BI, hindi maaring ipatupad nang mahigpit ang rules on evidence sa mga immigration case na itinuturing na administratibe proceedings na nangangailangan lamang ng substantial evidence.

Source: ABANTE

Trillanes, Ipinahahalukay ang ugat ng Marawi Siege


Ipinabubungkal ni Senador Antonio Trillanes IV sa Senado ang puno’t dulo ng Marawi siege na nauwi sa pagdapa ng syudad at sa kawalan ng tirahan ng libo-libong residente.

Inihain nito ang Senate Resolution No. 743 kung saan ipinatutunton kung bakit nangyari ang bakbakan at kung bakit umabot ng limang buwan ang sagupaan ng tropa ng gobyerno at mga terorista roon


Pakay umano rito na papulutin ng liksyon ang Department of National Defense, ang Philippine National Police at lahat ng ahensiya ng gobyerno upang hindi ito maulit.

Layon din umano na madetermina at maplantsa ang mga polisiya ng gobyerno sa mga katulad na sitwasyon.

Sa paghahain ng kaniyang resolusyon, inungkat ni Trillanes na tatlong buwan bago lumusob ang mga teroristang Maute at ISIS, may intelligence information na ang gobyerno ukol sa balak ng mga ito na kubkubin ang Marawi.

Inungkat din na bago ang aktwal na pagkusob, hinamon pa ni Pangulong Duterte ang mga terorista na sunugin ang Marawi.

“Months before the siege, the government knew about the impending crisis. Duterte even challanged the Maute group to burn Marawi. Despite this, the government was not able to prevent the conflict. Worse, one year after it erupted, our affected kababayans continue to suffer and remain to be on the losing end of this crisis,” ani Trillanes.

Inupakan din ni Trillanes ang Duterte administration dahil wala pa itong rehabilitation at reconstruction plan para sa Marawi.

“How can the government alleviate their suffering if until now it still has no final and comprehensive rehabilitation plan,” pahayag nito.

Source: ABANTE

Tuesday, May 22, 2018

Panukalang national ID system, tiyak ng maisasabatas


Nakalusot na sa bicameral conference committee ang panukalang national ID system o Philippine Identification System.

Bunsod nito ay nakakatiyak si Senator Panfilo “Ping” Lacson na magiging batas na ang panukala dahil siguradong mararatipikahan ito ng dalawang kapulungan anumang araw o bago ang sine die adjournment sa susunod na linggo at garantisadong lalagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay sa lahat ng mga pilipino at mga dayuhan ng national ID na magtataglay ng unique na Philippine identification system number, pangalan, birthday, address at fingerprint information.

Ayon kay Lacson, mapapadali ng national ID ang pakikipagtransaksyon sa gobyerno at pribadong sektor dahil pag-iisahin nito ang halos 33 mga ID na iniisyu ng pamahalaan.

Makakatulong din aniya ang national ID sa pagresolba sa terorismo at iba pang krimen dahil mas mapapadali nito ang pagkilala at pagtugis sa mga kriminal.

Binigyang diin naman ni Lacson na may nakalatag na safeguards para protektahan ang privacy at karapatang pantao.

Source: RMN

Senador JV Ejercito, nangangamba sa posibleng pagbagsak ng PhilHealth


Nangangamba si Senador JV Ejercito sa posibleng pagbagsak ng PhilHealth kung magpapatuloy ang maling paghawak ng pondo ng ahensya.

Sa pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on National Health Insurance Program, sinabi ni Ejercito, na base sa kanyang mga nakalap na impormasyon, maaaring aabot sa P4 bilyon ang pinag-uusapang pagkalugi ng PhilHealth.

Ayon pa kay Ejercito, nakiusap na rin siya sa Malacañang na magtalaga na ng permanenteng pinuno ng PhilHealth para hindi tali ang mga kamay nito o limitado ang maaari niyang gawin.

Muli namang itinanggi ni PhilHealth Interim President Celestina Ma. Jude Dela Serna ang umano ay anomalya sa pondo ng ahensya.

Aniya, napupunta sa pangangalaga ng kalusugan ng mga miyembro nito ang kaban ng PhilHealth.

Itinakda naman ni Ejercito sa susunod na Miyerkules, Mayo 30, ang pagpapatuloy ng pagdinig sa sitwasyon ng PhilHealth.

Source: RMN

Senator Sotto, sinagot ang mga nagmamaliit sa kanyang kapasidad na pamunuan ang senado


Hinamon ni Senate President Tito Sotto III ang mga nagmamaliit sa kanyang kakayahan na pamunuan ang senado na tingnan mabuti ang kanyang record at mga nagawa.

Ayon kay Sotto, bago sya husgahan ay bilangin muna ang mga naipasa niyang panukalang batas kumpara sa iba pang mga naging pangulo ng senado.

Pinagmalaki pa ni Sotto ang mga naipasang batas na laban sa ilegal na droga at krimen.

Sabi ni Sotto, bigyang konsiderasyon din sana ng kanyang mga kritiko ang dami ng pagkakataon na siya ay nagsilbi bilang majority leader, at minority leader sa ilalalim ng ibat-ibang liderato ng senado.

Binigyang-diin pa ni Sotto ang kahalagahan ng kanyang pagiging jurassic senator o may pinakamahabang panahon ng panunungkulan bilang senador.

Si Sotto ay nagsimulang maging senador noong 1992. Naging vice mayor din ng Quezon City at naging chairman ng Dangerous Drugs Board.

Source: RMN

Monday, May 21, 2018

Kampo ni Leni Robredo, iginiit na hindi kasama ang Iloilo City sa ballot boxes retrieval sa Iloilo province


Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat isama ang Iloilo City sa retrieval ng ballot boxes mula sa Iloilo Province.

Kaugnay ito ng election protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ayon sa consultant ng legal team ni Robredo na si Emil Marañon III, ang nakasaad lamang sa protesta ni Marcos ay ang lalawigan ng Iloilo at ang Iloilo City ay hiwalay at independent mula sa probinsya.

Nais nilang mabigyang linaw ito sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Nabatid na nagsimula na ang retrieval ng higit 2,300 ballot boxes sa Iloilo province at 430 ballot boxes sa Iloilo City at idadala ito sa Balabago, Jaro para sa tuluyang ipadala ito sa PET headquarters sa Maynila.

Source: RMN

Bam Aquino, Trillanes humirit ng Senate hearing sa WPS militarization


Iginiit nina Senador Bam Aquino at Senador Antonio Trillanes IV na kumilos at magsalita ang Senado ukol sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Idiniin ng dalawang senador na nakababahala na ang ginagawa ng China na una ay nagtayo ng mga istruktura sa tinambakan (reclaimed) nilang mga bahura, sinundan ng pagpapasok ng missile system at ngayon ay nagpalapag doon ng bomber planes.


Kaugnay nito, inihain ni Aquino ang Senate Resolution No. 723 at kay Trillanes ang Senate Resolution No. 722 kung saan layong magpatawag ang Senado ng mga pagdinig para malaman ang tunay na sitwasyon sa WPS.

Layon din sa pagdinig na mabigyang-diin na ipinaglalaban ng pamahalaang Pilipinas ang teritoryo at kasarinlan nito sa diplomatikong pamamaraan.

Gusto ring mabigyang diin sa mga pagdinig ng Senado na dapat ipaglaban ng administrasyon ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitration case kontra sa China at maipunto rin ang pangangailangan ng tulong dito ng America, Japan, Australia at mga bansang ASEAN na itinuturing na regional partners ng Pilipinas.

Ang mga resolusyon nina Aquino at Trillanes ay ipinasa sa Senate committee on foreign relations na pinamumunuan ni Senadora Loren Legarda at sa Committee on National Defense and Security na pinamumunuan ni Senador Gregorio Honasan.

Source: ABANTE

Handa ng Ibigay ng SSS ang karagdagang P1,000


Handang ibigay ng pamunuan ng Social Security System o SSS ang karagdagang P1,000 para sa mga SSS Pensioners kung maamyendahan lamang ang Executive Order.

Ito ang naging tugon ni SSS Cauayan Branch Head Estrella Aragon kaugnay sa Executive Order o pag-amyenda sa Charter na isinusulong ng SSS ngayon.

Paliwanag ni Mrs Aragon na maibibigay ang karagdagang isang libo kung sakali na may pondo mula sa gobyerno dahil ang unang naibigay na isang libong piso noong taong 2017 sa mga pensioners ay mula mismo sa pondo ng SSS.


Sinabi pa ni Branch Head Aragon na kahit umano idineklara ni Pangulong Duterte ang karagdagang halaga para sa mga pensioners kung wala namang pondo mula sa gobyerno ay hindi rin ito maibibigay.

Dahil aniya kung ang dagdag na isang libo ay mula parin sa pondo ng SSS ay maapektuhan naman na umano ang existing fund ng SSS lalo na sa life term nito na hanggang taong 2032.

At kung sakali umano na mahugot pa muli sa pondo ang dagdag na halaga hanggang taong 2019 ay hanggang taong 2026 na lamang ang life term ng SSS.

Iginiit pa ni Aragon na nararapat lamang ang isinusulong ng SSS na Executive Order o ang pag-amyenda sa Republic Act 8282 o Social Security Law of 1997 upang matupad ang pangako ng Pangulong Duterte na maibigay ang katagdagang benepisyo sa mga SSS pensioners.

Source: RMN

Inilabas na ang pambato ng Oposisyon sa 2019 Senatorial elections


May anim ng pambato sa 2019 senatorial elections ang tinaguriang Resistance Coalition na binubuo ng iba’t ibang grupo at samahan sa panig ng oposisyon.

Ito ang inihayag ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na siyang pangulo ng Liberal Party.

Kabilang dito sina re-electionist Sen. Bam Aquino, former Quezon Rep. Erin Tanada, FLAG chairman Chel Diokno, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, at dating Akbayan party-list Rep. Barry Gutierrez, habang kinukumbinsi pa nila ang aktres na si Agot Isidro.

Diin ni Pangilinan, hindi matatawaran ang galing at paglingkod sa bayan ng nabanggit na mga personaidad.

Haharapin aniya ng anim at ng koalisyon ang mga polisiya ng pamahalaan at mga hakbang government na hindi nakakabuti sa bayan at taumbayan.

Maliban sa LP, ay kasamang ding bumubo sa resistance coalition ang Akbayan, Magdalo, at organisasyong Tindig Pilipinas.

Source: RMN

Sunday, May 20, 2018

Pangulong Duterte, pinanindigang ang hindi pakikipag-giyera sa China


Walang planong makipag-giyera si Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Sa kabila ito ng ulat na lumapag ang Chinese long-range bomber planes sa Woody Island, West Philippine Sea.

Ayon kay Duterte, hindi niya isusugal ang buhay ng kanyang mga sundalo at pulis para labanan ang China.

Iginiit din ng Pangulo na walang kapalit ang mga ibinigay na mga armas ng China at Russia sa bansa.

Aniya, walang alyansang nagaganap o pagbibigay ng isla bilang collateral sa mga hininging armas.

Dagdag pa ng Pangulo, ibinigay lang nang kusa ng dalawang bansa ang mga kagamitang pandigma bilang tulong sa patuloy na pakikipaglaban ng bansa kontra terorismo.

Source: RMN

Risa Hontiveros, China isumbong na sa UN


Hinamon ni Senadora Risa Hontiveros ang Malacanang na kondenahin ang pagpasok ng China ng missile system at bomber planes sa West Philippine Sea (WPS).

Dapat aniyang ipaglaban ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng foreign affairs officials na pagmamay-ari ng Pilipinas ang teritoryong inaagaw ng China.

Iginiit ni Hontiveros na idulog na ito ng Duterte administration sa United Nations (UN) at isulong doon na utusan ang China na sundin ang ruling ng Permanent Court of Arbitration kontra sa pilit nitong pag-aangkin sa WPS..


“As a country with a Constitution that renounces war as an instrument of national policy and the use of nuclear weapons, the Philippines must sponsor a resolution before the UN condemning China’s threat of nuclear war against the Philippines and demand that it comply with the ruling of the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) arbitral tribunal,” giit ni Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, kailangan nang tigilan ng Duterte administration pagsampa sa China.

“I challenge President Duterte and his foreign affairs officials to end their subservience to China and muster the necessary political courage to stand up to protect our national sovereignty and the lives of our citizens,” giit ng senadora.

Iginiit din ng senadora na repasuhin na ang bilateral relations ng Pilipinas sa China.

Source: ABANTE

Senado, may posisyon dapat sa pananakop ng China sa WPS - Franklin Drilon


Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maghayag ng matapang na posisyon ang buong Senado ukol sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Bilang institusyon at katuwang ng Malacañang sa paglalatag ng foreign policy ng bansa, dapat aniyang kondenahin ng Senado ang walang patumanggang paglabag ng China sa international laws at pagtapak sa kasarinlan ng bansa.

Iniulat ang pagpasok ng bomber planes ng China sa WPS, bukod ito sa nauna nang missile system na kanilang itinayo sa tatlong bahura roon.

Ayon kay Drilon, kung patuloy na sinasakop ng China ang WPS na teritoryo ng bansa, hindi maiaalis ang pangamba na baka pati eleksyon sa 2019 ay panghimasukan ng China.

“I condemn that continuous violation of the international rules. Hindi nila pwedeng pakialaman ang ating sovereignty. Andun na ang China kaya masasabi natin they’re occupying part of the Philippine territory,” ani Drilon.

“Kung hindi natin pag-igihan ang kampanya natin, malapit na ang 2019, at the back of people’s mind baka pakialaman na ng China ang halalan natin. So dapat alagaan natin. Let us continue in asserting our sovereign rights,” babala nito.

Source: ABANTE

2 opisyal ng gobyerno, sisibakin ni Pangulong Duterte


Dalawa pang miyembro ng gabinete ng administrasyon Duterte ang posiblang masibak sa pwesto.

Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Philippine National Games 2018 sa Cebu Sports Center kahapon.

Hindi niya pinangalanan ang dalawang opisyal na aniya ay iniluklok niya pero mga scalawags pala.

Ginagamit rin daw ng mga ito ang kanyang pangalan, maging ang kay Honeylet Avanceña at kanyang mga anak at pinsan para lang makapag-solicit ng pera.

Samantala, sa isang press briefing noong May 15, matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinayuhan ng pangulo sina Justice Asec. Moslemen Macarambon Sr. at DPWH Asec. Tingagun umpa na magbitiw na sa pwesto.

Nagpapadrino raw si Macarambon sa kanyang mga in-laws para magpapasok ng milyun-milyong halaga ng mga alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Habang si umpa ay may reklamong kinakaharap dahil sa pamomorsyento umano sa mga contractor sa ilang proyekto sa ARMM.

Source: RMN

Saturday, May 19, 2018

Sereno, umalma sa umano'y 'panggigipit' ng gobyerno


Umalma si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa umano'y patuloy na panggigipit sa kaniya ng gobyerno.

"Sabi nila kahit daw na wala na ako sa hudikatura eh tuloy-tuloy daw ako gigipitin sa mga kaso eh . . . Panggigipit po sa lahat ng side. Malinaw na panggigipit talaga," hinaing ni Sereno.

Ayon kay Sereno, ilan sa kaniyang staff ay pinatatawag ng Department of Justice (DOJ) para pagpaliwanagin ng kanilang trabaho sa kaniyang tanggapan noong siya ay punong mahistrado pa.

"Dalawang tauhan ko ngayon ang sinubpoena na at pinasasagot ng Department of Justice para ipaliwanag ang ginawa nila nu'ng sila ay nasa hudikatura," ani Sereno sa panayam ng DZMM.

Naniniwala si Sereno na isa itong malinaw na "harassment" matapos siyang mapatalsik sa puwesto noong isang linggo sa pamamagitan ng quo warranto petition.

"Malinaw po [kung] ano talaga ang gusto, hindi lang ako tanggalin. Gusto talaga ipakita ang puwersa, ang kanilang kapangyarihan. Pang-aabuso po talaga," ayon kay Sereno.

Sumagot naman ang DOJ at sinabing parte lamang ng kanilang "procedure" ang paghahain ng subpoena sa sino mang respondent sa kaso.

"Our investigating prosecutors will issue subpoenas to any and all respondents as a matter of procedure. Certainly I will not consider this as an act of political harassment...The DOJ will not be used to advance any political purpose," paliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Hinamon naman muli ni Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign dahil malinaw na umano ang kamay nito sa naging pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto.

"Sa bibig ng presidente nanggaling na kung mapatunayang inimpluwensiyahan niya ang posisyon ng Kongreso o SC, eh magre-resign siya. So pinapaalala ko lang naman 'yung sinabi niya," ani Sereno.

Pag-alala ni Sereno, noong Abril 9 ay nagbitiw ng salita si Duterte na inuutusan ang mga kaalyado na alisin siya bilang chief justice.

Sa ngayon, ipinagdadasal ni Sereno na baliktarin ng Korte Suprema ang naging desisyon nito laban sa kaniya.

Sa Mayo 30 nakatakdang isumite ni Sereno ang kaniyang motion for reconsideration.

Source: ABANTE

Dating CJ Sereno, pinayuhang maghain din ng quo warranto petition laban sa magiging bagong punong mahistrado


Pinayuhan ni dating Solicitor General Florin Hilbay si ousted Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na gamitin din ang quo warranto petition para mapatalsik sa pwesto ang sinumang itatalagang bagong punong mahistrado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Hilbay, may opsyon si sereno na maghain din ng quo warranto petition sa bagong Chief Justice na papalit sa kanya kung buo ang paniniwala nitong iligal ang pagkakatanggal sa kanya.

Si Hilbay ay isa sa mga abogado ni Sereno at pinalitan ni SolGen Jose Calida sa Office of the Solicitor General.

Matatandaang sa pamamagitan ng botong 8-6 ay kinatigan ng Supreme Court (SC) ang quo warranto petition ni Calida na nagpapawalang-bisa sa appointment ni Sereno noong 2012.

Kabilang sa mga kumontra sa nasabing petisyon sina acting Chief Justice Antonio Carpio and Associate Justices Marvic Leonen, Benjamin Caguioa, Estela Perlas Bernabe, Presbitero Velasco Jr. at Mariano Del Castillo.

Source: RMN

Friday, May 18, 2018

Kampo ni De Lima, nakakita ng butas sa depensa ng prosekusyon hinggil sa illegal drug trade sa Bilibid


Muling naipagpaliban ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay Senadora Leila de Lima.

Sa Muntinlupa City Regional Trial Court branch 205 itinakda sa August 10 ang arraignment dahil narin sa mga pending na motion for reconsideration.

Habang sa Muntinlupa City Regional Trial Court branch 206 na may kaugnayan parin sa umano ay illegal drug trade, sa June 22 itinakda ang pagbasa ng sakdal.


Sa pagdinig kanina, nakahanap ng butas ang kampo ni De Lima mula sa prosekusyon.

Ibinasura kasi ni Judge Lorna Domingo Navarro ang motion for reconsideration on the amended information ng Senadora dahilan para ito ay maisalang sa arraignment.

Pero agad nakapaghain ang kanyang kampo ng motion to quash sa MR on the amended information kaya hindi naipag patuloy ang pagbasa ng sakdal.

Sa halip nagbigay ang kanyang panig ng manipesto at muling itinanong sa prosekusyon kung saan at ano yung droga na umano ay trade ni De Lima.

Nang sumagot ang prosekusyon sa kauna-unahang pagkakataon nabanggit na “shabu” ang kinakalakal ng senadora sa Bilibid.

Gayung ang pinag-uusapan lamang at naka saad sa charge sheet ay mapatunayan lamang ang existence ng consipirancy o pakikipagsabwatan ni De Lima at iba pang drug lords sa Bilibid.

Dahil dito nagkaroon ani Atty. Tacordon ng butas ang depensa ng prosekusyon dahil narin sa kawalan ng consistency na isang basehan upang maibasura ang kasong isinampa nila kay Sen. Leila de Lima.

Source: RMN

Thursday, May 17, 2018

De Lima kay Pangulong Duterte: Magbitiw ka na!


Sinegundahan ni Senadora Leila De Lima ang panawagan ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Dapat naman talagang mag-resign. Hindi karapat-dapat. He is clearly unfit to be President. So unfit,” pahayag ni De Lima.

Humarap si De Lima kanina sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 para dapat basahan ng sakdal sa drug cases na kinakaharap.

Ipinagpaliban ito at itinakda muli sa Hunyo 22 bunsod ng paghahain ng kampo ni De Lima ng motion to quash.

Binigyan ng korte ang kampo ng prosekusyon ng limang araw lara sumagot sa mosyon ni De Lima.

Source: ABANTE

Sotto bilang Senate President, suportado ng 14 senador


Si Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na ang susunod na pinuno ng Senado kapalit ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

Ito’y matapos lumagda ang 14 na senador o mayorya ng Senado ng isang draft resolution na nagpapahiwatig ng suporta kay Sotto bilang susunod na Senate President.

Sabi ng source ng Abante, posibleng may isa pang senador ang pumirma sa resolusyon sa Biyernes o Sabado.

“By a majority of all the senators, Senator Vicente C. Sotto III is hereby elected as the new Senate President to discharge the duties and powers granted to him by the rules of the Senate,” sabi sa resolusyon.

“It is hereby resolved by a majority vote of all the senators, to express its sense to reorganize its leadership, and hereby electing Senator Vicente ‘Tito’ Sotto III as the new Senate President,” dagdag pa doon.


Ang 14 na senador lumagda sa resolusyon ay ang mga sumusunod:

Senate President Pro Tempore Ralph Recto

Senator Sonny Angara

Senator Loren Legarda

Senator Joseph Victor Ejercito

Senator Nancy Binay

Senator Sherwin Gatchalian

Senator Francis Escudero

Senator Richard Gordon

Senator Gregorio Honasan

Senator Panfilo Lacson

Senator Manny Pacquiao


Source: ABANTE

Dating CJ Sereno, hinamon si Pangulong Duterte na magbitiw


Hindi na pinatulan ng Malacañang ang hamon ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw na niyang magkomento kaugnay kay Sereno gaya ng ginawa ng Pangulo sa ambush interview.

Aniya, hayaan na lamang nila si Sereno na manahimik bilang isang pribadong indibidwal.

Una nang sinabi ni Duterte na wala siyang kinalaman sa quo warranto petition laban kay Sereno at kung may isang mahistradong magsasabing kinausap niya, handa siyang magbitiw sa pagkapangulo.

Giit naman ni Roque na iginagalang nila ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na “premature” ang resolusyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay Sereno.

Source: RMN

"Paglipat ng mandato ng PCGG sa OSG, nakakabahala " – Leni Robredo


Napapabilang na si Vice President Leni Robredo sa mga nagpahayag ng labis na pangamba sa planong pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Sinabi ni Robredo na kapag naging mandato na rin ng Office of the Solicitor General ang paghahabol sa mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos ay baka magmukhang tama pa ang nangyari noong panahon ng dikdaturya.

Giit nito dapat maalala ng lahat na ang OSG pa ang nagtanggol sa pagpapalibing sa yumaong Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kayat hinimok ni Robredo na tutukan ang naipasang panukalang-batas sa Mababang Kapulungan ukol sa pagbuwag sa PCGG para hindi ito maging ganap na batas.

Ayon pa sa bise-presidente sa tatlong dekadang paghahabol ng PCGG sa mga yaman ng pamilya Marcos, $3.4 bilyon pa lang sa tinatayang $10 bilyon ang kanilang nababawi.

Noon lang nakaraang linggo, inanunsiyo ng Human Rights Claims Board na mababayaran na ang higit 10,000 biktima ng Batas Militar noong administrasyong-Marcos.

Source: ABANTE

Pagbasura sa petisyon ni Senador Trillanes na i-dismiss ang 5-million lawsuit kaugnay ng Hacienda Binay, pinagtibay ng Korte Suprema


Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng lower court sa hirit ni Senator Antonio Trillanes IV na ibasura ang P5-million civil suit na inihain ng negosyanteng si Antonio Tiu na “dummy” owner umano ng “Hacienda Binay sa Batangas.

Batay sa March 14 ruling ni Associate Justice Noel Tijam, binasura ng SC first division ang petition for certiorari ni Trillanes na nagpapawalang bisa sa May at December 2015 orders ni Judge Evangeline Castillo-Marigomen ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) branch 101 sa pamamagitan ng pag-invoke sa parliamentary immunity.

Una nang ibinasura ni Marigomen ang mosyon ni Trillanes na i-dismiss ang damages complaint na inihain sa kanya ni Tiu, na tinawag nito sa harap ng media bilang “dummy” ni dating Vice President Jejomar Binay.

Matatandaang sinabi ni Trillanes na pag-aari ni Binay ang 350-hectare property sa Rosario, Batangas kung saan 150 hectares nito ay kinabibilangan ng paved roads, manicured lawns, mansion na mayroong pool, man-made lakes, at horse stable na mayroong practice race tracks.

Source: RMN

Wednesday, May 16, 2018

Pres. Duterte on next CJ: Not a politician, lalo na hindi babae


President Rodrigo Duterte on Wednesday laid down the characteristics he is looking for in the successor of ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

"Gusto ko 'yung bilib ang tao sa integrity niya. Of course it could not be a politician, lalo na hindi babae," Duterte told reporters in Malacañang.

Sereno was removed on May 11 by her colleagues at the Supreme Court (SC), saying she failed to meet the integrity requirement for members of the judiciary due to incomplete submission of her declarations of wealth when she applied for the post in 2012.

The SC also ordered the vetting body Judicial and Bar Council (JBC) to commence the process of selecting the country's next top judge.

As for the replacement of retiring Ombudsman Conchita Carpio Morales, Duterte said he "will have to consult everybody" except for the top graft buster herself.

"I will even have to consult the Ombudsman people, not Morales para sigurado, 'yung gusto ng tao," the President said.

Duterte and Morales have been at odds over the Office of the Ombudsman's investigation into allegations of unexplained wealth against him and his family.

Morales had recused herself in the probe as she is the aunt of lawyer Mans Carpio, the husband of presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte.

Source: GMA News