Atty. Larry Gadon, nais ipatanggal ang larawan ng mag-asawang Aquino sa limang daang piso


Nais ding ipatanggal ng abugadong si Atty. Larry Gadon ang larawan ng mag-asawang Benigno “Ninoy” Aquino at Corazon Aquino sa limang daang piso.

Sa interview ng RMN DZXL Manila, sinabi ni Gadon na parehong walang nagawa ang mag-asawang Aquino sa bansa kung saan kwestyunable pa ang pagiging presidente ni Cory.


Una nang naghain ng petisyon si Gadon sa Malacañang upang ipabalik ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa dati nitong pangalan na Manila International Airport (MIA).

Ayon kay Gadon na wala namang karapatan si Ninoy para ipangalan sa kanya ang pambansang paliparan sa bansa dahil kung tutuusin ay maituturing siyang traydor.

Marami pa aniyang ginawang pagsisinungaling si dating Sen. Aquino kabilang na ang Jabidah Massacre.


Noong 1961 nakilala ang Manila International Airport (MIA) pero pinapalitan ito noong 1987 sa NAIA ni dating Pangulong Cory Aquino.

Tiwala naman si Gadon na papaboran ng kongreso ang kanyang petisyon pero maaari rin siya aniyang magpasaklolo sa Korte Suprema.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment