Thursday, May 10, 2018

Balewala sa Malacañang ang planong impeachment ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte


Kumpiyansa ang Malacañang na walang makukuhang suporta ang ikinakasang impeachment complaint ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang planong impeachment complaint ni Alejano ay kasunod ng Aniya ay pagpapabaya ng pangulo sa ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque – malabong magtagumpay si alejano na mapatalsik sa pwesto si Pangulong Duterte.

Aniya, walang legal na basehan ang isasampang impeachment complaint ng kongresista.

Payo ni Roque – sa halip na pag-initan ang Pangulo, habulin na lang daw ni Alejano ang mga dating opisyal o mga kakampi sa Liberal Party na pumayag na hayaan ang China na makagawa ng artificial island sa West Philippine Sea.

Source: RMN

Related Articles

Balewala sa Malacañang ang planong impeachment ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email