De Lima, Ibinasura ang kanyang hiling na pansamantalang kalayaan


Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang hirit na “furlough” ni Senador Leila De Lima para makadalo sa graduation ng kanyang bunsong anak sa June 3.

Nagbigay ang korte ng anim na dahilan sa pagtanggi sa hiling ng senadora kabilang ang posiblidad na makagulo lang siya sa pagtatapos ng anak dahil sa pagiging “public figure” nito at ang posibleng panggugulo sa okasyon ng kanyang mga taga-suporta.


Naniniwala rin ang korte na maaaari namang panoorin ng senadora ang nasabing seremonya sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ikinalungkot naman ng kampo ni De Lima ang naging pasya ni Judge Amelia Fabros-Corpuz.

Ayon kay Atty. Boni Tacardon, plano ng kampo nila na maghain ng motion for reconsideration para kontrahin ang mga inilatag na basehan ng korte sa pagbasura sa kahilingan ng senadora.

Umaasa si Tacorda na maiintindihan ng korte na ang gusto lamang ni De Lima ay makapiling ang kanyang anak sa importanteng okasyon ng graduation nito.

Una nang humirit si De Lima na makalabas ng PNP Custodial Center para makadalo sa imbestigasyon ng senado sa pagkamatay ni Kian delos Santos at para sumailalim sa medical check-up na pinagbigyan naman ng korte.

Ang anak ni De Lima ay nakatakdang magtapos sa San Beda Law School sa June 3.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Komentar