Mananagot ang mga mahistrado na nagpatalsik kay Sereno – Trillanes


Binalaan ni Senador Antonio Trillanes IV na maparurusahan balang-araw ang walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto para sa pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno batay sa quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida.

Aniya, pinatay ng mga mahistrado ang Konstitusyon na dapat ay kanilang pinoprotektahan.

Inilagay din aniya ang demokrasiya ng bansa sa kadiliman.

Ayon kay Trillanes, ito ay ay karumal-dumal na krimen na hindi puwedeng palagpasin.

“It is now the darkest hour in our democracy. The Supreme Court, which is supposed to be the cradle of our fragile Constitution, is the same body that killed it,” pahayag nito.

“Those SC justices who committed this heinous crime against our justice system must not and will not go unpunished,” dagdag ni Trillanes.

Bumoto pabor sa quo warranto petition ang mga mahistrado na sina:

Teresita Leonardo-De Castro
Diosdado Peralta
Lucas Bersamin
Francis Jardeleza
Samuel Martires
Noel Tijam
Andres Reyes Jr
Alexander Gesmundo

Kumontra naman sina:

Antonio Carpio
Presbitero Velasco
Perlas Bernabe
Mariano Del Castillo
Marvic Leonen
Benjamin Caguioa.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Komentar