Ombudsman Conchita Carpio-Morales, umaasang katulad din niya ang susunod na hahawak ng anti-graft body



Umaasa si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ang susunod na Ombudsman ay katulad din niya.

Ito ang sagot ni Morales matapos siyang tanunging kung ano ang mga kinakailangang qualities para maging magaling na Ombudsman.

Ayon kay Morales, mahalaga sa Ombudsman ang pagiging masipag at buo ang dedikasyon sa trabaho.

Handa aniya ang susunod na Ombudsman sa harapin ang pressure, may integridad at may kumpiyansa sa sarili.

Ipinagmalaki rin ni Morales ang kanyang work ethic at umaasang magiging ganito rin ang next Ombudsman.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment