Pagpapatalsik kay Sereno, pilit na pilit – Noynoy Aquino


Naniniwala si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ipinilit talaga ng mga mahistrado na mapatalsik sa puwesto si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa ipinalabas na statement ng dating Pangulo, inihalintulad nito ang naging desisyon ng mga mahistrado sa bunga ng mangga na kapag pinilit mahinog ay maasim ang lasa nito.


Binigyang-diin ni dating Pangulong Aquino na malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na ang impeachable officer ay maaalis lamang sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment.

Naniniwala ang dating Presidente na anuman ang magiging paliwanag ng mga nagpatalsik kay Sereno ay malinaw na pilit na pilit ang kanilang desisyon.

“Marahil marami sa into, tulad ko, ang paboritong prutas ay mangga. Kung nais natin ang matamis na mangga, hihintayin nating mahinog ito. Alam din natin, pag pinilit itong mahinog, maasim ang kalalabasan nito.

Makailang ulit nang nasabi ng Korte Suprema: Kung ang batas ay malinaw na, di na kailangan ng paliwanag pa. Klaro ang nasa Saligang Batas: ang impeachable officer, sa pamamagitan lang ng impeachment maaalis sa puwesto. Sa aking pananaw, kung anoman ang magiging paliwanag ng mayorya, ang makikita lang natin ay isang pilit na pilit na desisyon.

Ang tanong ngayon: Gaano kaya kaasim ang desisyong pilit nilang isusubo sa atin?,” ang pahayag ni dating Pangulong Aquino.

Ang dating Pangulo ang nagluklok kay Sereno bilang Chief Justice ng Korte Suprema noong August 24, 2012.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment