Palasyo, Pinapasilip ang mga gastusin ng PhilHeallth


Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y anomalya sa PHILHEALTH.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, prayoridad ng Pangulo na magbigay ng Universal Health Care at kung hindi malilinis ang hanay ng philhealth ay hindi magkakaroon ng Universal Health Care.

Una nang kinuwestyon ng Commission on Audit ang travel expense ni PHILHEALT Officer In Charge Celestina Maria Jude Dela Serna na umabot sa 627,000 Pesos patungo at pabalik ng tagbilaran at Metro Manila na kinabibilangan ng plane fares, terminal fees, hotel and lodging accommodations.

Bukod sa mga biyahe, inirereklamo rin ng samahan ng mga PHILHEALTH worker ang illegal termination at deduction ng agency fees mula collective negotiation agreement incentive ng mga rank-and-file employee.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment