Pangulong Duterte, Nilarawan bilang Strong Man


Sumasangayon ang Palasyo ng Malacañang na isang strong man si Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng inilarawan ng mga Time Magazine.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tunay na matatag at hindi maikakaila ang serbisyo ni Pangulong Duterte na hinahangaan ng mayorya ng ating mga kababayan.
Sinabi ni Roque na patunay lang dito ang mataas na Satisfaction, Approval Trust at Performance Ratings ng Pangulo sa dalawang taong panunungkulan nito.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos lumabas ng Time Magazine kung saan kabilang si Pangulong Duterte sa front page at inilalarawang Strong Man kasama sina Russian President Vladimir Putin, Turkey President Recep Tayyip Edrogan at Hungarian Prime Minister Voktor Orban.
Binigyang diin ni Roque, taliwas sa palihis na angulo ng artikulo ng Time Magazine ay tanggap na ng maraming Pilipino na hindi literal ang mga sinasabi ni Pangulong Duterte pero sineseryoso naman aniya ng marami ang mga sinasabi ng Pangulo patungkol sa paglaban sa iligal na droga at krimenalidad.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment