Tuesday, May 15, 2018

Pro-Sereno group sa mga senador - "Ipaglaban ang iyong karapatan!"


Nagsagawa ng kilos-protesta sa Senado ang may 30 kasapi ng grupong w na sumusuporta kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nanawagan sila sa mga senador na ipaglaban ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Sereno.

Ang Silent Majority ay bahagi ng umbrella organization na Coalition for Justice (CFJ).

Ayon kay Tess Bonganay, myembro ng Silent Majority, tulad ni dating Chief Justice Renato Corona, dapat bigyan din ng pagkakataon si Sereno na maipagtanggol ang sarili sa harap ng Senado na tatayong impeachment Court.

Inungkat na nabigyan si Corona ng limang buwan sa impeachment proceedings bago ito tuluyang napatalsik matapos ang impeachment trial, salungat sa nangyari kay Sereno na pinatalsik sa pamamagitan quo warranto.

Inaasahan ng pro-Sereno group ang kooperasyon ng mga senador dahil marami na sa mga ito ang nagsabi na kaisa sila sa paninindigan na “unconstitutional” at ilegal ang pagpapatalsik kay Sereno sa pamamagitan ng quo warranto proceeings.

Sinabi naman ni Teresita Deles, cabinet member ng Aquino administration at kasapi ng Silent Majority, iisa-isahin nila ang mga senador para hikayatin na samahan silang ipaglaban ang demokrasya at ang rule of law na umano’y nabalewala dahil tinapakan ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Konggreso na magdaos ng impeachment proceedings.

Ang mga pro-Sereno ay nagbitbit ng placard, streamer at mga paying na kulay ube na nagsasaad ng pagsuporta kay Sereno, sa panawagang ipagtanggol ang konstitusyon at may pagkundena sa Korte Suprema.

“We feel that this is not the fight of the Chief Justice, this is the fight for democracy, fight for the rule of law. It is a fight for the people,” pahayag ni Deles.

Source: ABANTE

Related Articles

Pro-Sereno group sa mga senador - "Ipaglaban ang iyong karapatan!"
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email