Ronald "Bato" Dela Rosa, Kinompronta ang mga high-risk inmate sa building 14 ng bilibid


Kinompronta ni BUCOR Chief Ronald Dela Rosa ang mga big time drug lord sa new bilibid prison (NBP).

Sa unang araw ng pamumuno niya sa Bureau of Corrections (BUCOR), pinuntahan agad ni Dela Rosa ang building 14 ng bilibid kung saan nakakulong ang mga high-risk inmate.

Sabi ni Dela Rosa, hindi pwedeng magsiga-sigaan ang mga preso at wala siyang pakialam kung mayaman ang mga ito.

Base kasi sa intelligence report, maging ang mga prison guard ay natatakot ng mga convicted drug lord, dahil daw sa pera at kakayanan ng mga itong ipag-utos ang pagpatay sa sinumang hahadlang sa iligal nilang aktibidad.

Banta pa ni Dela Rosa, kung kinakailangang manakit para mahinto ang kasamaan ng mga preso ay gagawin daw niya.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment