Sunday, May 20, 2018

Senado, may posisyon dapat sa pananakop ng China sa WPS - Franklin Drilon


Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maghayag ng matapang na posisyon ang buong Senado ukol sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Bilang institusyon at katuwang ng Malacañang sa paglalatag ng foreign policy ng bansa, dapat aniyang kondenahin ng Senado ang walang patumanggang paglabag ng China sa international laws at pagtapak sa kasarinlan ng bansa.

Iniulat ang pagpasok ng bomber planes ng China sa WPS, bukod ito sa nauna nang missile system na kanilang itinayo sa tatlong bahura roon.

Ayon kay Drilon, kung patuloy na sinasakop ng China ang WPS na teritoryo ng bansa, hindi maiaalis ang pangamba na baka pati eleksyon sa 2019 ay panghimasukan ng China.

“I condemn that continuous violation of the international rules. Hindi nila pwedeng pakialaman ang ating sovereignty. Andun na ang China kaya masasabi natin they’re occupying part of the Philippine territory,” ani Drilon.

“Kung hindi natin pag-igihan ang kampanya natin, malapit na ang 2019, at the back of people’s mind baka pakialaman na ng China ang halalan natin. So dapat alagaan natin. Let us continue in asserting our sovereign rights,” babala nito.

Source: ABANTE

Related Articles

Senado, may posisyon dapat sa pananakop ng China sa WPS - Franklin Drilon
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email