Monday, May 14, 2018

Sereno, kinumpirmang maghahain ng motion for reconsideration


Maghahain ng Motion for Reconsideration (MR) si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno para baligtarin ang naging desisyon ng SC en banc na pabor sa quo warranto petition.

Ito ang kinumpirma ni Sereno kasabay ng pagboto niya para sa Barangay at SK Elections sa Cainta, Rizal.

Ayon sa abogado ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilaco, umaasa silang magkaroon ng pagbabago kapag naghain na sila ng mosyon.

Nabatid sa botong 8-6, natanggal sa pwesto si Sereno kung saan anim sa mga mahistradong bumoto ay hiniling niyang mag-inhibit sa kaso.

Source: RMN

Related Articles

Sereno, kinumpirmang maghahain ng motion for reconsideration
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email