Trillanes, Ipinahahalukay ang ugat ng Marawi Siege


Ipinabubungkal ni Senador Antonio Trillanes IV sa Senado ang puno’t dulo ng Marawi siege na nauwi sa pagdapa ng syudad at sa kawalan ng tirahan ng libo-libong residente.

Inihain nito ang Senate Resolution No. 743 kung saan ipinatutunton kung bakit nangyari ang bakbakan at kung bakit umabot ng limang buwan ang sagupaan ng tropa ng gobyerno at mga terorista roon


Pakay umano rito na papulutin ng liksyon ang Department of National Defense, ang Philippine National Police at lahat ng ahensiya ng gobyerno upang hindi ito maulit.

Layon din umano na madetermina at maplantsa ang mga polisiya ng gobyerno sa mga katulad na sitwasyon.

Sa paghahain ng kaniyang resolusyon, inungkat ni Trillanes na tatlong buwan bago lumusob ang mga teroristang Maute at ISIS, may intelligence information na ang gobyerno ukol sa balak ng mga ito na kubkubin ang Marawi.

Inungkat din na bago ang aktwal na pagkusob, hinamon pa ni Pangulong Duterte ang mga terorista na sunugin ang Marawi.

“Months before the siege, the government knew about the impending crisis. Duterte even challanged the Maute group to burn Marawi. Despite this, the government was not able to prevent the conflict. Worse, one year after it erupted, our affected kababayans continue to suffer and remain to be on the losing end of this crisis,” ani Trillanes.

Inupakan din ni Trillanes ang Duterte administration dahil wala pa itong rehabilitation at reconstruction plan para sa Marawi.

“How can the government alleviate their suffering if until now it still has no final and comprehensive rehabilitation plan,” pahayag nito.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment