Thursday, May 10, 2018

Trillanes nakipag-ayos na kay Senator Nancy Binay


Ikinwento ngayon ni Senator Nancy Binay ang ginawang pakikipag-ayos sa kanya ni Senator Antonio Trillanes IV noong huling ng araw ng session nitong Marso bago ang holy week.

Ayon kay Binay, halos isang oras na nakipag-usap sa kanya si Senator Trillanes kung saan ipinaliwanag nitong ang pinaghugutan ng pagsusulong noon ng Senate investigation sa kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay.


Sabi ni Senator Binay, nakinig lang syang mabuti kay Senator Trillanes at ngayon ay nasa moving on stage na sya.

Dahil aniya sa nangyari ay maiiwasan na na magkailangan o mag-iwasan pa sila ni Trillanes kapag nagkikita sa Senado.


Dagdag pa ni Senator Binay, hindi na niya kailangang magpanggap na walang nakikita o tumingin sa malayo sa tuwing makakasalubong niya si Senator Trillanes.

Binanggit ni Senator Binay na naikwento nya ang nangyari sa kanya ama pero wala naman daw itong naging reaksyon.

Source: RMN

Related Articles

Trillanes nakipag-ayos na kay Senator Nancy Binay
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email