VP Leni ‘nadurog ang puso’ sa konti ng mga bumoboto



Inihayag ni Vice President Leni Robredo na nalungkot siya at nadurog ang kanyang puso ngayon

araw ng halalan dahil sa tila mababang bilang ng mga bumoto.

Base sa kanyang personal na obserbasyon hindi ganoon karami ang bumoto dahil halos wala pila.

Bumoto si Robredo kasama ang anak na si Janine Patrica sa Precint 248 A ng Tabuco Elementary School sa Naga City.

Sinabi nito na ang kanyang obserbasyon ay base sa kanyang mga nasaksihan sa eleksyon noong 2013 at 2016.

“We need to remind everyone that this is one of the most important elections because the barangay is where the people first turn to solve their problems,” aniya.

Aminado naman si Robredo na hindi niya personal na naobserbahan ang sitwasyon sa ibang presinto.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pagkabahala ang bise-presidente sa mga naganap na karahasan na iniuugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Komentar