Saturday, June 30, 2018

Hontiveros, Pondo kada taon para sa Mental Health Law titiyaking sapat


Titiyakin umano ng Kongreso na makapaglalaan sila ng sapat na pondo kada taon para sa implementasyon ng R.A. 11036 o Mental Health Law.

Sa interview ng Rmn DZXL Manila, sinabi ni Senator Risa Hontiveros na pipilitin nilang maging abot-kaya ang pagpapagamot ng mga acute mental health patients sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Philhealth at DOH.

Samantala, ayon kay Hontiveros – kabilang sa mahahalagang probisyon ng batas ang:

– Pagtatalaga ng DOH ng mga psychiatric, neurologic at psychosocial service;

– Pagpaparami ng lahat ng uri ng doktor, nurse, kamadrona at barangay health workers na may kapasidad na magbigay ng mental health services;

– Alisin ang diskriminasyon sa mga taong may mental health problem sa pamamagitan ng mga mental health program.

May 60 araw ang DOH para tapusin ang IRR.

Source: RMN

Pangulong Duterte, Magkakaroon ng One-On-One dialogue kay Archbishop Valles


Magkakaroon ng ‘one-on-one’ dialogue si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – makikipagkita ang Pangulo kay CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles.

Tanda aniya ito na pagtutulungan ang gobyerno at simbahan para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Hindi pa malinaw kung kailan ang pag-uusap nina Duterte at Valles na kilalang magkaibigan.

Matatandaang hindi dinaluhan ng Pangulo ang selebrasyon ng Pope’s Day at nagpadala lamang ng representante.

Source: RMN

De Lima, Sex video binuhay ni Duterte para panghinaan ako ng loob


Gusto umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na umatras siya sa pagharap sa Korte Suprema at sa pakikipagdebate kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang tinuran ng detenidong si Senadora Leila de Lima kasunod ng muling pag-ungkat ng Pangulo sa umano’y sex video niya.

“Marahil gusto niya rin akong panghinaan ng loob at umatras sa posible kong pagharap sa Korte Suprema para tutulan ang desisyon niyang umurong ang Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court,” ani De Lima sa isang pahayag nitong Sabado.


Tanong ni De Lima, bakit umano takot na takot si Duterte sa isang babae na nagawa umano nitong maipakulong gamit ang imbentong mga kaso at ngayon ay ayaw pa rin siyang tantanan ng mga kalaswaan at kasinungalingan nito.

Aniya, ang ginagawa umano ni Duterte sa pagbuhay sa sex video ay maliwanag na paraan para ilihis ang atensiyon ng publiko sa mga napako nitong pangako at maraming kasalanan sa Diyos at sa bansa.

Matatandaang binantaan ni Pangulong Duterte si De Lima na ilalabas nito ang umano’y sex video ng senadora matapos tuligsain ng huli ang ginawang paghalik sa labi ng una sa OFW.

Muling binanggit ng Pangulo ang sex video umano ni De Lima sa pang-aasar naman nito kay Communist Party of the Philippines founding chair Jose Maria Sison, na nagsasabing sasama ang mga komunista sa mga pagkilos para patalsikin ang punong ehekutibo sa puwesto.

Source: ABANTE

Pangulong Duterte, Pinuri ang mabilis na pagbangon ng Tacloban


Hinangaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagyat na pagbangon ng Tacloban City at mga kalapit na bayan matapos ang sinapit na matinding pinsala dulot ng bagyong Yolanda.

Sinabi ng Pangulo na nasorpresa ito dahil malaki na ang ipinagbago ng Tacloban City matapos halos mabura sa bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

Marami na aniyang gusali at kabahayan at mas maganda na ang tanawin sa kalawakan bago lumapag sa airport.

Maging ang mga ipinatayong housing sa ilalim ng administration, ayon sa Presidente, ay malaki na ang progreso kaya’t magtutuloy-tuloy ito hanggang sa matapos at mabigyan lahat ng pabahay ang mga biktima ng kalamidad.

“You know, about six months after, I went back here to look at the progress of the housing. ‘Yung ginawa ko sa panahon ko na ha, ‘yung akin.

“I was really surprised na Leyte almost back on its feet and the skyline was more pleasant to see. More buildings and all,” anang Pangulo.

Ang trahedyang dulot ng bagyong Yolanda ang itinuturing ni Pangulong Duterte na isa sa pinakamalungkot na bahagi ng kanyang buhay matapos makita ang mga naging biktima ng kalamidad.

Ayon sa Pangulo, dalawang panyo ang nagamit nito para pahirin ang luha dahil sa matinding kalungkutan sa nangyaring kalamidad.

“I was here in Tacloban the day after to give instructions to the doctors and the unloading of the equipment and medicines, it was one of my saddest in my life. I never saw such magnitude… kaya nagastos ang luha ko dito. Siguro mga dalawang panyo. Literally I was bleeding inside my heart,” dagdag pa ng Pangulo.

Source: ABANTE

Friday, June 29, 2018

Pangulong Duterte, Inako ang misencounter ng pulis at sundalo sa Samar


Sinarili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa malagim na misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Army at mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Samar na nagresulta sa pagkasawi ng anim na pulis at pagkasugat ng siyam na iba pa.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng Sangyaw Festival of Lights sa Tacloban City, sinabi ng Pangulo na bilang commander-in-chief, siya na ang aako sa sisi kung bakit nangyari ang insidente.

Hindi aniya sinasadya ang nangyari at hindi maiwasan ang ganitong insidente na inihalintulad sa Murphy’s law.

Hiniling ni Pangulong Duterte sa mga sundalo at pulis na huwag magtanim ng galit at sama ng loob, bagkus ay hayaang umusad ang imbestigasyon para matukoy kung ano ang mga dapat gawin para hindi na maulit ang insidente.

“To both the Filipino soldiers and the Filipino policemen, I’d like to tell you that the ultimate blame is on me. Being the commander-in-chief, I do not want to use word, but ako po ‘yung pinaka-nila and so there was a lot of tragics to risk we have around the incident. Sabi ko sa kanila kalimutan na lang ninyo tutal hindi naman sinasadya. You know the Murphy’s law operates the way is. Things can go wrong, it will go wrong.

“And so I said kayong mga pulis, ako ‘yung pinaka-commander ninyo pati kayong mga army ako rin. And so you just say that it’s all my fault, but since you are all my soldiers let us forget the hurts, allow the investigation to go on and let us see what develops in the future,” anang Pangulo.

Binisita ng Pangulo ang anim na nasawing pulis sa Palo, Leyte gayundin ang siyam na iba pang nasugatan sa misencounter .

Kapwa kumikilos na ang liderato ng Armed Forces of the Philippines at PNP para alamin kung sino sa mga tropa ang may pagkukulang at pagkakamali, kasabay ang pagtiyak na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng tropa ng mga pulis.

Source: ABANTE

WATCH | Robredo, Nagpaalala kay Pangulong Duterte na 'wag mang-insulto'


Bagaman may karapatang magpahayag ng saloobin ay pinaalala pa rin ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang obligasyon nitong hindi dapat makainsulto. Ito'y matapos ang kontrobersiyal na pahayag ni Duterte kaugnay sa Diyos

Iginiit ni VP Leni Robredo na lahat ng karapatan ay may kaakibat na obligasyon lalo't Pangulo ang nagsasalita

     
Source: ABS-CBN

WATCH | Brave Netizen to Bro. Eddie "Bugok! Yung Anak mo Sangkot sa PDAF Scam!"


Hindi nagustuhan ng kababayan nating si Niño Ruelo Barzaga ang sinabi ni Brother Eddie Villanueva kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag ni Villanueva sa ANC, sinabi ng lider ng Jesus is Lord Church na si Villanueva mayroon daw silang 10 million miyembro at kaya daw nitong magsagawa ng isang malakihang rally.

          

Ipinaalala ni Barzaga kay Villanueva ang pagkatalo nito sa mga presidential elections. Hindi rin pinalampas ni Barzaga ang pagkakasangkot ng anak nito na si Senador Joel Villanueva sa PDAF Scam.

"Naalala ko, 2 times kang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas, kung sampung milyon ang pinangangalandakan mo na magra-rally laban kay Duterte, eh bakit noong eleksyon ang boto mo wala pang 2 milyon? Bakit wala pang 2 milyon ang bumuto sa iyo noong ikaw ay kumakandito? Tapos ngayon ang lakas ng loob mong magbanta na 10 milyon ang itatapat mo laban kay Pangulong Duterte. Nanggagago ka ba? 

Naalala ko sinabi mo kinausap ka ng Diyos para kumandidato. Pati ang Diyos ginagamit mo sa kawalang-hiyaan mo. Kung ikaw ay alagad ng Diyos, bakit yung anak mong senador na si Joel Villanueva ay nasama sa PDAF Scandal? Alagad ka ng Diyos di ba? Bakit ang sarili mong anak hindi mo naturuan ng mabuting asal?,"sabi ni Barzaga

Source: DE

Pangulong Duterte, dismayado sa trabaho ng mga Mayor


Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na talagang dismayado siya sa performance ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga Local Government Units partikular sa mga Mayor.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte, sa harap narin ng kanyang kautusan kay interior Secretary Eduardo Ano na magsagawa ng Audit sa mga LGU para alamin kung saan maraming insidente ng mga iligal na gawain tulad ng krimen, iligal na droga, illegal logging at maraming iba pa.

Ayon kay Pangulong Duterte, maraming mga opisyal sa mga LGU na tila nakalimutan na ang trabaho at ipinauubaya na sa national government ang trabaho na dapat nilang ginagawa.

Babala ng Pangulo, tatanggalin niya ang kapangyarihan ng mga mayor sa PNP at ipauubaya nalang ni Pangulong Duterte sa PNP na ipatupad ang batas na dapat nilang ipinatutupad.
Nagbabala din ang Pangulo na kakasuhan ang mga Mayor na mapatutunayang hindi nagtatrabaho at patatalsikin ang mga ito sa posisyon.

Source: RMN

Thursday, June 28, 2018

Trillanes, Senatorial candidates ni Duterte matatalo sa 2019


Inaasahan ni Senador Antonio Trillanes IV na matatalo sa eleksyon sa 2019 ang mga kandidato sa pagkasenador na ikakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, doon mapapatunayan na mababa na ang popularidad ng pangulo dahil marami na ang dismayado sa mga patayan, kahirapan at pagmumura pa nito sa Diyos.

Sisiguraduhin din naman umano ng senador na matatalo ang mga kandidato ng pangulo dahil kakampanya siya labna sa mga ito.

Ipapanawagan umano niya na bumawi sa eleksyon ang mga naargabyado ng Duterte administration at huwag iboto ang “mga kampon” ng pangulo.

“Sa akin, talagang ako mangangampanya sa lahat ng sasama sa kampon ni Duterte, Tatawagin ko silang kampon ni Duterte. We will make sure na hindi na makakaulit itong grupo ni Duterte,” deklarasyon ni Trillanes.

Sa kanyang pagtaya, matutulad ang mga kandidato ni Duterte sa mga naging kandidato ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2007.

Noon nanalo si Trillanes habang nakabilanggo dahil sa kasong rebelyon.

Tatlo lang ang mga kandidato ni Arroyo na pumasok sa magic 12 at iyon ay sina Senador Juan Miguel Zubiri at dating Senators Joker Arroyo at Edgardo Angara.

Natanggal pa noon si Zubiri dahil sa nanalong protesta laban dito ni Senador Koko Pimentel.

“Nung 2007, oppression ang inireklamo at hirap ng buhay. Ngayon oppression, hirap ng buhay tapos minura pa ang Diyos. Ibang level itong si Duterte. At yung mga namatay sa drug war, eh itong si GMA (Gloria M. Arroyo) wala namang ipinapatay,” dagdag ni Trillanes.

Trillanes, Senatorial candidates ni Duterte matatalo sa 2019 

Source: ABANTE

Mayor Sara, No need for President Duterte to apologize over remarks about God


Presidential daughter and Davao City Mayor Sara Duterte defended President Rodrigo Duterte over calls for her father to apologize for his remarks on the origin of man, which created a stir among the Catholic Church and other religious groups.

“For me, he does not need to apologize. Should he apologize to God?” Mayor Sara asked when sought for reaction in an interview with reporters during Thursday’s 7th-year remembrance of the June 28, 2011 flash flood in the city.

The mayor explained that any person has the right to share an opinion, and does not need to apologize for doing so. The President, she said, is no exemption.

“As I said, even if he is the President, he is still protected by the constitutional right to freedom of speech and expression. That was his opinion,” she said.

On her personal Facebook post on Wednesday, Duterte-Carpio said that the people should not listen to the statement of her father when it comes to religion because the President is not a priest, a pastor, or an Imam.

She, however, urged people to focus on the work of the President as an elected public servant.

“Do not listen to him when he talks about God; he is not a priest, a pastor or an Imam. Besides, we have a different interpretation of the Bible, that is why there are so many religions in our country,” Duterte-Carpio said.

The President’s remarks on the creation of man in the Book of Genesis at the National ICT Summit last week drew reactions from several religious quarters. Some even called on the President to apologize.

Despite this, the President has reached out to the religious sector and formed a four-man team to dialogue with the Catholic Church and other religious groups to resolve current issues between the government and the church.

The four-man team the President created is composed of Presidential Spokesperson Harry Roque, Commissioner Boy Saycon, Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, and Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr.

Source: PTV

Pangulong Duterte, muling ikakasa ang giyera laban sa mga NPA


Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ikakasa muli ang giyera laban sa komunistang grupo kung hindi na ito interesado na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

Bagamat nais pa rin ni Duterte na maisulong ang kapayapaan, walang problema sa kanya kung ayaw na ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na makipagnegosasyon sa gobyerno.

Binigyang linaw din ng Pangulo na hindi pa niya binibitawan ang peace process sa mga rebeldeng komunista.

Muli ring iginiit ng punong ehekutibo na sa Pilipinas gawin ang peace talks kaysa sa abroad.

Source: RMN

Trillanes, Diyos ni Duterte may sungay


Sino ang Diyos ni Pangulong Duterte?

Kwestyon ito ni Senador Antonio Trillanes IV matapos sabihin ng pangulo na ang Diyos na kaniyang pinaniniwalaan ay hindi ang Diyos ng Simbahang Katoliko at ng mga Kristyano.

“Sino ba ang Diyos niya kung hindi ‘yung Diyos hindi lang ng Kristyano kundi Diyos na pinaniniwalaan ng mga tao? E sino ito? Baka may sungay itong diyos niya?” sabi ni Trillanes sa lingguhang Kapihan sa Senado.

Nung nakaraang linggo, sinabi ng pangulo na “stupid” ang Diyos na sinasabi ng mga Kristyano na lumikha ng perpektong mundo pero siya ring gumawa ng ikinasira nito dahil nilikha ang tao at may ahas na nanukso.

Matapos ulanin ng batikos, sinabi ng pangulo na hindi niya diyos ang Diyos ng mga Kristyano dahil “stupid” at ang kaniyang diyos “has a lot of common sense.”

Source: ABANTE

Pangulong Duterte hindi magso-sorry sa mga alagad ng Simbahan


Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng dispensa sa naging maanghang na pahayag nito patungkol sa bibliya at sa pagtawag nitong “stupid” ang Diyos ng iba.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Panglao, Bohol, sinabi ng Presidente na walang dahilan para humingi siya ng public apology sa kabila ng mga kritisismo sa kanyang naging pahayag.

Ayon sa Pangulo, ang pagkilala at paniniwala sa Diyos ay personal at hindi dahil nabasa ito sa textbooks o naikintal batay sa turo ng mga magulang.

“No, I will not do that. Definitely not in a million years. You know, God is personal. It is not formed by textbooks. You nurture God as your faith based on the values that you get from life early on, from your parents. That is how you conceive God to be. So if you used God as a transmission sa ano ninyo, ah other sectors of society, then you invite criticism,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na sa ngayon ay mananahimik muna siya partikular sa iringan nila sa Simbahang Katolika.

Muling inulit ng Pangulo na sinadya nito ang ginawa para makita kung hanggang saan ang limitasyon ng mga tao.

“I have no quarrel with the other, but if they want to join the frey its fine. I’m here to… well yun ang bisyo ko eh. From time to time I shake the tree of society para makita ko yung..,” dagdag pa ng Pangulo.

Bago magtalumpati ang Pangulo sa harap ng mga miyembro ng Vice-Mayor’s League of the Philippines kaninang hapon ay may iniabot na papel sa kanya kung saan pinaalalahanan ito na naka-live ito sa telebisyon at maging sa Facebook kaya huwag itong magmura at huwag mang-away ng mga pari.

Gayunman, hindi pa rin napigil ang Pangulo at sa kanyang talumpati ay nakailang beses pa rin itong nagmura.

Source: ABANTE

Wednesday, June 27, 2018

Hontiveros, isang kabaliwan ang pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay


Isang kabaliwan para kay Senadora Risa Hontiveros ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga kapitan ng barangay hanggang sa mga tanod gayundin ang mga estudyanteng kasapi ng ROTC o Reserve Officers’ Training Corps.

Tanong ni Senadora Hontiveros, nais ba ni Pangulong Duterte na maging wild wild west na ang sitwasyon sa ating bansa kung saan wala ng umiiral na batas.

Giit ni Hontiveros, dapat mapanatili ang kaayusan sa ating lipunan.

Ayon kay Hontiveros, hindi solusyon ang pag-aarmas sa mga barangay officials, mga miyembro ng ROTC, pati mga prosecutors, pari at iba pang sektor.

Source: RMN

Tom Villarin, hinimok ang publiko at simbahan na huwag magpahulog sa patibong ni Pangulong Duterte


Nagbabala ang ilang taga oposisyon na hindi dapat magpadala sa patibong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahan sa plano nito na pakikipagdayalogo.

Hinikayat ni Akbayan Representative Tom Villarin ang mga taga-simbahan na magkaisa na ipagtanggol ang kanilang pananampalataya sa halip na makipag-usap sa administrasyon.

Iginiit ni Villarin, na hindi na ngayon ang panahon ng pag-aaral at reflection bagkus ang dapat anyang gawin ng bawat isa ay kumilos upang maprotektahan ang pagkawasak ng institusyon.

Dapat aniyang pangunahan ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle ang paghingi sa gobyerno na wakasan ang impunity at pairalin ang rule of law.

Ipinagtataka naman ang mambabatas kung bakit hindi nakikita ni Tagle ang complete picture ng mga naging pahayag ng Pangulo laban sa Diyos at leader ng simbahan gayundin ang iba pang mga ginagawa nito tulad ng mga Extra Judicial Killings (EJK) at ang pagbebenta ng soberanya ng bansa sa China.

Source: RMN

De Lima, pinaiimbestigahan ang atrasadong TRAIN Law subsidy


Iginiit ni Senadora Leila de Lima na imbestigahan ng Senado ang natatagalang pagbibigay ng gobyerno ng subsidiya sa mga sektor na tinatamaan ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa kaniyang Senate Resolution No. 767, ipinatutunton ang dahilan ng pagkakabalam ng benepisyo at gusto ring alamin kung ano ang maaaring gawin para mapabilis ang mga ito.


Sa TRAIN Law, bibigyan dapat ng P200 kada buwan, nang walang anumang kondisyon, ang 10 milyong pinakamahihirap na pamilya bilang ayuda dahil maaapektuhan ng pagtataas ng buwis sa petrolyo at ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Nasa apat na milyong pamilya pa lang umano ang natutukoy at nabibigyan ng unconditional cash transfer.

Pinabibigyan din ng cash voucher ang tsuper ng mga pampasaherong sasakyan pero hindi pa naipatutupad dahil ginagawa pa umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang guidelines.

Ayon kay De Lima, mayroong forecast na lalo pang mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa second-round effect ng TRAIN na inaasahang higit na magpapataas pa ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dahil dito, kailangan umanong busisiin ng Senado kung ano ang ginagawa ng Malacañang upang maabatan ang pagtataasan ng presyo ng mga bilihin.

Source: ABANTE

WATCH | Bro. Villanueva, Pinagso-sorry si Pangulong Duterte sa pagtawag nitong "Stupid" sa Diyos


Pinagso-sorry ni Jesus is Lord Founder Bro. Eddie Villanueva si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito ng pagtawag ni  Pangulo Rodrigo Duterte na “Stupid” sa Diyos.

Sa isang Interview, sinabi ni Bro. Villanueva na bilang pinuno, dapat na tanggapin ni Duterte ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga Pilipino.

      

Wala pang tugon dito si Pangulong Duterte, pero kahapon, una nang sinabi ni presidential spokesperson harry roque na hindi magso-sorry ang Pangulo.


Samantala, kahapon ay nagsimula na ang pakikipagdayalogo ng binuong 3-man team ng Pangulo sa religious group kung saan inuna nilang kausapin ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC).

Bro. Eddie Villanueva, Pinagso-sorry si Pangulong Duterte sa pagtawag nitong "Stupid" sa Diyos

Source: RMN


Pastor Boy Saycon, 'Nagagamit ang Simbahan para Pabagsakin ang Duterte Gov't!'


Ayon sa isang opisyal ng gobyerno, may posibilidad umano na nagagamit ang simbahan para pabagsakin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pahayag na ito ay sinabi ni Pastor Boy Saycon sa dayalogo sa pagitan ng ilang religious group at ng three-man team ng Duterte Government.

"Mayrong posibilidad na ganoon ang mangyari (Destabilisasyon sa Duterte Gov't) ... Well, hindi naman nanggagaling sa simbahan ang banta. Nanggaling ang banta, nangagaling diyan sa mga organisasyon na konektado kung minsan sa banyagang interes,"sabi ni Sayson.

Sabi pa ni Saycon, ayaw mangyari ng kasalukuyang pamahalaan ang sinapit ni dating Pangulong Erap Estrada kung saan natanggal ito sa kapangyarihan dahil sa pangingialam ng simbahan.

"Things went into a very bad situation that caused the removal of Erap from his office so ayaw natin mangyari ang ganoong klaseng pangyayari,"dagdag pa ni Saycon.

Si Saycon, Spokesperson Harry Roque at Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella ay ang mga bumubuo sa three-man team ng Duterte Administration para makipagdayalogo sa mga religious groups.

Source: DE

Tuesday, June 26, 2018

Bam Aquino, mahigpit na pinapabantayan ang pamamahagi ng NFA rice


Iginiit ni Senador Bam Aquino sa pamahalaan ang mahigpit na pagbabantay sa pamamahagi ng inangkat na bigas ng National Food Authority o NFA.

Ayon kay Aquino, ito ay upang matiyak na mapupunta sa tamang pinaglaanan ang imported na bigas.

Nangangamba si Aquino na baka mapunta muli ang buffer stock ng abot-kayang bigas sa kamay ng mga traders o negosyante at ibenta ito sa mas mataas na presyo.

Ikinatwiran ni Aquino na bigas ang bumubuhay sa mga Pilipino araw-araw kaya kailangan itong pagtuunan ng pansin ng gobyerno at tiyaking palaging mayroong sapat na supply ng murang bigas sa merkado.

Source: RMN

Archbishop Socrates Villegas, Pinayuhan ang mga Katolikong kabataan


Pinayuhan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga katolikong kabataan at kanyang archdiocese na mahalin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng pagmumura, pagbabanta at pagpapahiya nito sa pananampalataya.

Ayon kay Villegas, narinig at napakinggan ng mga kabataan ang pag-atake ng Pangulo sa paniniwala ng mga kristyano.

Aniya, inalisputa rin ang ‘istorya ng paglikha’ at ininsulto ang Diyos.

Pero sabi ni Villegas, piliing mahalin si Duterte pero manatili ring ipaglaban ang pananampalataya.

Sabi pa ng Arsobispo na naging biktima ng mapait na nakaraan at nakaranas ng ‘rejection’ ang Pangulo kaya ito naghahayag ng matinding galit.

Nanawagan din si Villegas sa mga kabataan na ipagdasal ang kagalingan at kapatawaran ng Diyos sa Pangulo.

Source: RMN

Banat ni Pangulong Duterte sa kanyang mga kritiko, "Sinadya ko ‘yan"


Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinadya niya ang mga matatalas na pananalita at banat sa mga kritiko para sagarin ang mga ito.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong halal na barangay chairmen sa Zamboanga del Sur, muling binanatan ng Pangulo ang kanyang mga kritiko na pumupuna sa kanya sa isyu ng kristiyanismo at sa kanyang direktiba laban sa mga tambay.

“This penchant for the critics akala mo mas marunong pa sa yo. Alam mo yung lahat nagsasalita about anything that I say. They exploit it. Sinasadya ko ‘yan eh. You know why? This country is in doldrums. I am shaking the tree para mabuhay lahat, para makita ko yung…I am shaking the tree pati mga salita ko bastos and I am trying to go to the boundaries of hanggang saan,” anang Pangulo.

Binanatan ng Pangulo ang kanyang mga kritiko na aniya ay tila mas marunong pa sa kanya at sumasakay sa isyu para makaganti ng batikos sa kanya.

Pinanindigan ng Pangulo na naniniwala siyang mayroong “universal God” hindi aniya tulad ng Diyos ng iba na stupid.

“I have a God. He is the universal mind. Para I picture him as a too powerful, a God. Na kung wala si God there are billions and trillions of heavenly bodies kung wala yung Diyos, dugay na tang gisuyo ug blackhole o sumabog na tayong lahat. That is how I see God in the universal sense,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito inihayag ng tagapagsalita ng Pangulo na si Secretary Harry Roque ang pagbuo ng 3-man committee na makikipagdayalogo sa simbahan at iba pang religious organizations para maayos ang gusot sa pagitan ng Pangulo at Simbahan.

Nilinaw ni Roque na hindi personal na makikipag-usap ang Pangulo sa mga alagad ng Simbahan dahil ang komite na ang makikipagdayalogo para sa kanya.

Source: ABANTE

Monday, June 25, 2018

Pangulong Duterte, Sisibakin ang tatamad-tamad na barangay captain


Winarningan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay captain sa bansa na gawin ang trabaho kung ayaw ng mga ito na masibak sa puwesto.

Ang babala ay ginawa ng Pangulo sa oath-taking ng mga bagong halal na kapitan de barangay sa Region 10.

Sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City, binilinan ni Pangulong Duterte ang mga barangay captain na gawin ang kanilang tungkulin sa kanilang komunidad.


Kapag lumitaw aniya sa record na mataas ang antas ng krimen at droga sa kanilang nasasakupan ay makakasuhan ang mga ito ng pagpapabaya sa tungkulin.

Kapag walang pagbabago ay mag-iimbestiga aniya ang Department of Interior and Local Government (DILG) at kapag inirekomenda ang dismissal ay sisibakin niya ang mga ito sa puwesto.

“Kayong mga barangay captain, do what is your duty. You are more than just a policeman because you are mayors. You are the governors and the president of your barangay.

“Now, if you cannot do it, and the records will show na ‘yung crime rate mo mataas pati droga, then I will charge you with neglect,” anang Pangulo.

Binigyan ng Pangulo ng pagpipilian ang mga barangay captain na aniya ay gawin ang tungkulin at mamatay o kaya ay mag-resign.

Kung takot aniya ang mga ito na harapin ang mga kalaban sa komunidad at takot mamatay, wala silang karapatang manatili sa puwesto.

Source: ABANTE

Nagsalita na! | Taiwanese Politician, "Duterte's Spirit is Admirable"


Nagsalita na ang Taiwanese Politician na gumamit ng larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang election campaign material. Ayon kay Chen Renchi na tumatakbo sa konseho sa lungsod ng Hualien, ginamit umano niya ang litrato ni Pangulong Duterte dahil sa anti-drug campaign nito. Batay sa ulat ng UNTV, hinahangaan din daw ni Chen ang determinasyon ng Presidente ng Pilipinas pagdating sa pagsugpo sa droga.


"I decided to use the picture of President Duterte because he is known for his war on drugs…What I look at is President Duterte’s contribution in the awareness of illegal drugs,"sabi ni Chen.

Sumang-ayon naman ang ilang residente ng Hualien sa mga pahayag ni Chen.

"I personally approve President Duterte’s ways of solving problems. I think he has a lot of guts. I really like his determination in fighting drugs,"sabi ni Chi Chua Xu sa dayalektong Mandarin.

Naging usap-usapan kamakailan lang ang nag-viral na election paraphernalia ni Chen sa Pilipinas. Ipinapakita lang kasi nito na hindi lang sa Pilipinas malakas ang hatak ni Pangulong Duterte, kundi sa ibayong dagat din.

Sang-ayon ba kayo sa mga pahayag ng mga kaibigan nating Taiwanese? Ikalat po natin ang artikulong ito para mabasa din ng iba.

Source: DE

Banaue Rice Terraces isasailalim din sa rehabilitasyon


Target ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na simulan ang rehabilitasyon ng Banaue Rice Terraces bago matapos ang taon.

Kabuuang P71 million ang inilaan sa General Appropriations Act para sa rehabilitation at restoration ng collapsed terraced walls ng pamosong Banaue Rice Terraces.

Una nang iniulat ng local na pamahalaan ng Banaue na mahigit 500 hectares o 33.6 percent ng Banaue Rice Terraces ang nasira na , napinsala o inabanduna sa paglipas ng panahon.


Aayusin at patitibayin ng TIEZA ang mga stonewalls at pagbubutihin ang mga trekking trails ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) world heritage site sa nasabing rehabilitation project.


Kabilang sa National Cultural Treasures ng bansa, ang Banaue Rice Terraces ay itinayo ng Ifugao sa pamamagitan ng kamay na may 2,000 taon na ang nakalilipas.

Kasabay nito, inaprubahan din ng TIEZA ang rehabilitasyon ng unang hotel sa Ifugao ang Banaue Hotel at Youth Hostel na matatagpuan sa gitna ng Banaue Rice Terraces.

Source: RMN

"Sinabi ko your God is not my God because your God is stupid. Mine has a lot of common sense," - Pangulong Duterte


Apparently unapologetic over his "stupid God" remark last week, President Rodrigo Duterte on Monday invoked a freedom to choose whether or not to believe in a God.

Duterte made the remark days after he referred to a "stupid God", questioned the story of the creation and cast doubt on the concept of original sin.

He said that his earlier remark against God was made in connection with Australian nun Sister Patricia Fox's opposition to his government.

Duterte challenged critics to revisit his remarks on June 23 at an event in Davao City. A review of the speech, however, never made any reference to Fox.

"Some senators, they are taking against me the cudgels for saying your God is stupid. Totoo naman and I said that in connection with my statement against Sister Fox," Duterte said in a speech before newly elected barangay chairpersons of Northern Mindanao in Cagayan de Oro City.

"Sinabi ko your God is not my God because your God is stupid. Mine has a lot of common sense," he added.

"Why do you have to talk about religion? If I choose not to believe in any god, what's the f—ing thing about it? It's the freedom to choose," Duterte said.

Duterte again questioned God and truth about the creation.

"Tell me if it's a perfect God. Luluhod ako dito. I will kneel down and stretch my hand and ask for forgiveness," Duterte said

"Tell me if it is a very poignant story of the history of mankind or if it's really a stupid one. Kaya hindi ako maniwala ng ganun. Kalokohan," he added.

Fox is facing a deportation case for allegedly participating in political activities prohibited of foreigners.

Duterte himself ordered the investigation against the 71-year-old nun for "disorderly conduct."

Duterte's remarks last week have drawn sharp criticisms, but presidential spokesperson Harry Roque said the chief executive is entitled to his own belief and spirituality.

The President acknowledged that he believed in a "universal being."

"I believe in a universal being. There is somebody there more supreme than the rest of gods of men. Meron talaga niyan kasi 'pag hindi with all the billions and trillions of stars kung walang nagko-kontrol niyan sumabog na tayo lahat," Duterte said.

Source: GMA

'Arrogance of power' | Trillanes and Hontiveros blasts Duterte for calling God 'stupid'


Opposition Senator Antonio Trillanes IV on Monday branded President Rodrigo Duterte an "evil man" after the latter called God "stupid."

Trillanes said Duterte's recent remarks against God is the culmination of the chief executive's "arrogance of power."

"It is the height of arrogance of power not only to disrespect and spit on an individual's faith but also to act as though he is a god," the senator said in a statement.

"It should be clear now to everyone that Duterte is one evil man," he added.

Trillanes' remarks came after the President, in a June 22 speech, called God "stupid" for allowing Adam and Eve to ruin his "perfect" creation by eating the forbidden fruit.

"Who is this stupid God? Estupido talaga itong p***** i** kung ganun. You created some -- something perfect and then you think of an event that would tempt and destroy the quality of your work," Duterte, a Catholic, said.

Trillanes, a staunch critic of Duterte, said the President's statement shows the ruthlessness of his policies as well.

"Worse, Duterte's statements betray the nature of his evil mind and is very much consistent with the deceitfulness, heartlessness and ruthlessness of his policies," he said.

Senator Risa Hontiveros meanwhile alleged that Duterte's comments against God serve to distract the public from pressing national issues.

"Itong sinabi ni Presidente has nothing to do with programs, with policies, 'ni walang dinadagdag sa theological discussions," she said in an ANC interview.

"Most importantly, itong mga irrational streams of consciousness, ramblings, rantings niya also serve to distract us from burning issues..." she added.

(What the President said has nothing to do with programs, with polices. It doesn't even add anything to theological discussions. Most importantly, these irrational streams of consciousness, ramiblings, and rantings serve to distract us from burning issues.)

Asked for comment on Duterte's criticism of God, Senate President Pro Tempore Ralph Recto simply said: "May God bless his heart."

Earlier, Senator Panfilo "Ping" Lacson expressed hopes that Duterte will be forgiven after he questioned God's logic.

"May my God forgive him and make him atone for his sins," said Lacson, adding that he previously thought that Duterte was God's gift to the country.

Duterte in the past has advised his critics to take up their problems with him to God.

"Why should I change? God made me the way I am. God gave me this identity and God gave me this mouth," Duterte said in an exclusive interview with ANC last year.

'Arrogance of power' | Trillanes and Hontiveros blasts Duterte for calling God 'stupid'

Source: ABS-CBN

Sunday, June 24, 2018

CHR, Nagimbistiga na sa pagkamatay ng isang lalaking inaresto kasabay ng kampanya kontra tambay


Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang imbestigasyon ukol sa pagkamatay ng isang 22-anyos na lalaki na inaresto sa anti-loitering operation sa Quezon City.

Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, sinisiyasat na nila ang kaso ni Genesis Argoncillo na namatay sa kulungan matapos siyang arestuhin dahil sa walang suot na pang-itaas sa labas ng kanilang bahay.

Naniniwala aniya ang pamilya ng biktima na ginulpi at pinagpapalo si Argoncillo kaya ito namatay subalit iginiit ng pulisya na nasawi ito dahil sa hirap sa paghinga.

Sabi ni Gascon, handa silang magsagawa ng awtopsiya para malaman ang dahilan ng kamatayan ni Argoncillo.

Una nang nagbabala ang CHR sa PNP laban sa kampanya nito laban sa mga tambay sa kalsada.

Source: RMN

Watch | Bistado! P8.1 Billion Brgy Health Center Scam sa Aquino Gov't! "Substandard Materials"


Sa ulat ng mamamahayag na si Ted Failon sa kanyang Programang Failon Ngayon, nabunyag ang bilyon halagang proyektong Barangay Health Station (BHS) ng Department of Health (DOH) noong 2015. Sa naturang ulat, nabuking ang mga hindi pa tapos at nakatiwangwang na mga BHS. Ang ilan naman ay nakalitaw pa ang mga septic tank. Ayon pa sa Failon Ngayon Facebook page, substandard umano ang mga materyales na ginamit.

         

Base sa ulat ng Philstar, aabot umano sa P8.1 billion ang nailaan sa nasabing proyekto.



Ito po ang ilan larawan ng Barangay Health Stations na ipinatayo noong panahon ng Aquino Government. Kapansin-pansin ang klase ng mga materyales na ginamit sa proyekto. Ang ilang kagamitan pa ay hindi pa naikabit ng maayos.Ikalat po natin ito mga kababayan para malaman ng mga tao ang problemang iniwan ng Aquino Government sa Duterte Administration.





Source: DE

Butanding, Namataan sa Boracay


Naisipan ni Youscooper Reagan Cahilig at ng kaniyang mga kasama na mamingwit ng isda malapit sa Crystal Cove Island bandang 10 AM para gawing tanghalian. Nagtaka sila nang tila nagsialisan ang mga isda at wala silang mahuli hanggang sa tumambad sa likuran ng kanilang bangka ang dambuhalang butanding na inakala nilang pating noong una. 

Photo courtesy: Reagan Cahilig


Photo courtesy: Reagan Cahilig

Photo courtesy: Reagan Cahilig


Lumangoy malapit sa kanilang bangka ng halos kalahating oras ang butanding pero kalaunan ay lumayo na rin ito. Ayon kay Youscooper Reagan, hindi raw ito ang unang beses na may namataang butanding sa lugar. | Photo courtesy: Reagan Cahilig

Photo courtesy: Reagan Cahilig


Photo courtesy: Reagan Cahilig

Photo courtesy: Reagan Cahilig
Source: GMA Page

Saturday, June 23, 2018

Rita Avila took to social media to criticize President Rodrigo Duterte's latest attack against the Catholic Church



Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi" star Rita Avila took to social media to criticize President Rodrigo Duterte's latest attack against the Catholic Church.

In her Instagram account, Avila posted a screen grab of a news article about Duterte's tirade against God.

"This is a reflection of you, Mr. President. You only respect yourself," Avila wrote.


"You look at us like garbage cans where you freely throw your trash. Wag naman ganun. Tao kami."

Avila also called on the president's supporters to stop spreading hate.

"To all Duterte fans, I held much hope in him. But sorry, this is too much. You can only help spreading more trash by bashing and hating but I wish you spread GOOD WORDS instead to help clean all of us up," she wrote.

On Saturday, Duterte, an open critic of the Catholic Church, explained that he found fault in the creation story in the Bible and questioned God's logic, saying He is "stupid."

"Who is this stupid God? Estupido talaga itong p***** i** kung ganun. You created some --- something perfect and then you think of an event that would tempt and destroy the quality of your work," he said in a speech during the opening of the 2018 National ICT Summit in Davao City.

Source: ABS-CBN