ABS-CBN, No. 1 violator ng contractualization – Pangulong Duterte


Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN na aniya ay nangunguna sa lumalabag sa contractualization.

Sinabi ng Pangulo na panay-panay ang banat ng nabanggit na tv network sa isyu ng contractualization pero pero ang kanila aniyang mga manggagawa ay binabayaran sa pamamagitan ng talent fee.

Kung mayroon mang naregular ay kakaunti lamang at ang iba ay contractual at ang iba ay tumatanggap lang ng talent fee.

“That’s why I can criticize ABS-CBN. It keeps on criticizing contractualization but their workers are all talent fee based. In some cases, it lasts as long as 10 years.

They keep on criticizing but they are apparently number one indoing it,” anang Pangulo.

Noong nakalipas na buwan ay nagsumbong sa Pangulo ang ilang manggagawa ng TV network dahil sa hindi pagsunod sa batas paggawa, partikular ang hindi pagregular sa kanilang mga manggagawa.

Matatandaang nag-ugat ang galit ng Pangulo sa nabanggit na TV network dahil hindi ginamit ang kanyang political ad noong panahon ng kampanya sa pagkapangulo kahit bayad na ito, at mas pinaboran ang kalabang kandidato.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Komentar