Alejano, naghamon na huwag siyang iboto


Hinamon ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang publiko na huwag siyang iboto sa may 2019 senatorial elections.

Ito ay kung mapapatunayang nagsisinungaling lang siya sa kanyang claim na ipinag-utos ng Malacañang sa militar ang pagpapatigil sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ayon kay Alejano, hindi layon ng kaniyang expose na sumikat para sa kanyang pagtakbo bilang senador sa susunod na taon.

Aniya, ang kanyang pahayag ay hindi ukol sa kanya kundi tungkol sa bansa.

Giit pa ni Alejano, hindi siya magbubunyag ng isang bagay kung hindi 100 percent na tiyak ang kanyang sinasabi at hindi siya nag-aalala na makaka-apekto ito sa kanyang senatorial bid.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment