Tuesday, June 26, 2018

Archbishop Socrates Villegas, Pinayuhan ang mga Katolikong kabataan


Pinayuhan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga katolikong kabataan at kanyang archdiocese na mahalin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng pagmumura, pagbabanta at pagpapahiya nito sa pananampalataya.

Ayon kay Villegas, narinig at napakinggan ng mga kabataan ang pag-atake ng Pangulo sa paniniwala ng mga kristyano.

Aniya, inalisputa rin ang ‘istorya ng paglikha’ at ininsulto ang Diyos.

Pero sabi ni Villegas, piliing mahalin si Duterte pero manatili ring ipaglaban ang pananampalataya.

Sabi pa ng Arsobispo na naging biktima ng mapait na nakaraan at nakaranas ng ‘rejection’ ang Pangulo kaya ito naghahayag ng matinding galit.

Nanawagan din si Villegas sa mga kabataan na ipagdasal ang kagalingan at kapatawaran ng Diyos sa Pangulo.

Source: RMN

Related Articles

Archbishop Socrates Villegas, Pinayuhan ang mga Katolikong kabataan
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email

2 comments

June 27, 2018 at 10:23 AM delete

Plastik ang obispong pulpol. Ipokritong Villegas...Sino naman ang maniniwala sayo sa walang sinsiredad mong sinabi? May kondisyones ka pa!

Reply
avatar
June 27, 2018 at 6:49 PM delete

VILLEGAS ,STYLE MO BULOK. MAYAYARI KAYO SA VATICAN. PANUORIN NINYO ANG SINABI NG POPE FRANCIS.http://www.radio-bbc.com/2018/06/26/real-god-is-not-a-religion-the-relationship-with-your-god-is-what-matters-pope/ NAKARATING NA KAY POPE ANG SINABI NI PRESIDENT DUTERTE. BASAHIN. ANONG MASASABI NINYONG MGA OBISPO AT MGA PARI? SISIMULAN NA NG VATICAN ANG IMBISTIGASYON NG MGA PARI AT OBISPO SA PILIPINAS. ETO MAGKAKABUKINGAN NA.

Reply
avatar