Ayon kay Alejano, Kaya ng Pilipinas na makipag gyera sa China


Naniniwala si Magdalo Representative Gary Alejano na kayang makipag gyera ng Pilipinas laban sa bansang China dahil sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Ayon kay Alejano, anong silbi umano ng militar natin kung hindi natin maipapakita na malakas tayo. Ito din umano ang nais nating iparating sa ibang bansa kung paano tayo ituring.


Sa interview ni Alejano kay Cheche Lazaro, deretchang saad niya na may kapabilidad ang Pilipinas na makipagdigmaan kahit limitado.

“The question is, are we going to win should we go to war against China? But when it comes to capability, yes we are (capable) even though it is limited,” saad ni Alejano.

“What’s the use of the armed forces if you’re not going to use it? We are strengthening the armed forces and that’s the message to the international community on how they should treat us,” dagdag pa niya.

Saad ni Alejano na kahit may kakayahan ang bansa na lumaban, hindi rin umano kayang lumaban ng China sa isang maliit na bansa.

“They will attract the international community to themselves. They will turn out to be a bully to a small nation,” paliwanag ni Alejano.

Aniya, dapat rin umanong ipaglaban ang mga isla at protektahan ang sovereignty at territorial integrity ng bansa.

Source: UnitePinas
Previous
Next Post »
0 Comment