Monday, June 4, 2018

"Baka matulad ako kay de Lima"- Noynoy


Inamin ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sumagi na kanyang isip ang posibilidad na matulad siya sa nakakulong ngayon na si Senador Leila de Lima dahil sa mga kasong isinasampa sa kanya kaugnay sa Dengvaxia issue.

Dumalo si Aquino sa preliminary investigation sa Department of Justice kaugnay sa mga alegasyon sa kanya ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Hiniling nito na ibasura ang mga reklamo sa kanya at nanindigan na ang katotohanan ang kanyang magiging depensa.

Nang makaharap ng media, natanong si Aquino kung may pangamba ba siya na makulong tulad ni de Lima at ang nasagot ng dating pangulo ay,” hindi natin maiiwasan na isipan ‘yan.”

Ang VACC, kasama na ang Vanguard of the Philippine Constitution, na kabilang sa naghain ng reklamo, ay kapwa kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinuwestiyon din nito ang paggamit ng mga preso bilang testigo laban kay de Lima, na nakakulong ngayon dahil sa alegasyon na nakinabang ito sa diumanoy drug trade sa loob ng National Bilibid Prisons.

Source: ABANTE

Related Articles

"Baka matulad ako kay de Lima"- Noynoy
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email