Tuesday, June 26, 2018

Bam Aquino, mahigpit na pinapabantayan ang pamamahagi ng NFA rice


Iginiit ni Senador Bam Aquino sa pamahalaan ang mahigpit na pagbabantay sa pamamahagi ng inangkat na bigas ng National Food Authority o NFA.

Ayon kay Aquino, ito ay upang matiyak na mapupunta sa tamang pinaglaanan ang imported na bigas.

Nangangamba si Aquino na baka mapunta muli ang buffer stock ng abot-kayang bigas sa kamay ng mga traders o negosyante at ibenta ito sa mas mataas na presyo.

Ikinatwiran ni Aquino na bigas ang bumubuhay sa mga Pilipino araw-araw kaya kailangan itong pagtuunan ng pansin ng gobyerno at tiyaking palaging mayroong sapat na supply ng murang bigas sa merkado.

Source: RMN

Related Articles

Bam Aquino, mahigpit na pinapabantayan ang pamamahagi ng NFA rice
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email