Tuesday, June 26, 2018

Banat ni Pangulong Duterte sa kanyang mga kritiko, "Sinadya ko ‘yan"


Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinadya niya ang mga matatalas na pananalita at banat sa mga kritiko para sagarin ang mga ito.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong halal na barangay chairmen sa Zamboanga del Sur, muling binanatan ng Pangulo ang kanyang mga kritiko na pumupuna sa kanya sa isyu ng kristiyanismo at sa kanyang direktiba laban sa mga tambay.

“This penchant for the critics akala mo mas marunong pa sa yo. Alam mo yung lahat nagsasalita about anything that I say. They exploit it. Sinasadya ko ‘yan eh. You know why? This country is in doldrums. I am shaking the tree para mabuhay lahat, para makita ko yung…I am shaking the tree pati mga salita ko bastos and I am trying to go to the boundaries of hanggang saan,” anang Pangulo.

Binanatan ng Pangulo ang kanyang mga kritiko na aniya ay tila mas marunong pa sa kanya at sumasakay sa isyu para makaganti ng batikos sa kanya.

Pinanindigan ng Pangulo na naniniwala siyang mayroong “universal God” hindi aniya tulad ng Diyos ng iba na stupid.

“I have a God. He is the universal mind. Para I picture him as a too powerful, a God. Na kung wala si God there are billions and trillions of heavenly bodies kung wala yung Diyos, dugay na tang gisuyo ug blackhole o sumabog na tayong lahat. That is how I see God in the universal sense,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito inihayag ng tagapagsalita ng Pangulo na si Secretary Harry Roque ang pagbuo ng 3-man committee na makikipagdayalogo sa simbahan at iba pang religious organizations para maayos ang gusot sa pagitan ng Pangulo at Simbahan.

Nilinaw ni Roque na hindi personal na makikipag-usap ang Pangulo sa mga alagad ng Simbahan dahil ang komite na ang makikipagdayalogo para sa kanya.

Source: ABANTE

Related Articles

Banat ni Pangulong Duterte sa kanyang mga kritiko, "Sinadya ko ‘yan"
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email