Monday, June 11, 2018

Banta ng China sa WPS, mala-‘World War II’- Robredo


Nagbabala si Vice President Leni Robredo laban sa posibleng kahinathan ng mga pautang sa bansa ng China sa soberenya ng Pilipinas.

Ginawa ito ni Robredo sa pagdalo sa isang forum sa West Philippine Sea (WPS) sa University of the Philippines (UP) kung saan ito nagpahayag ng pinakamatigas nitong pagbatikos sa malabot na posisyon ng administrasyon sa WPS.


Ayon kay Robredo, totoo na kailangan ng gobyerno ng pondo para sa lumalaking ekonomiya ng bansa pero hindi ito dahilan para isuko ang soberenya ng Pilipinas.

Iginiit ni Robredo na hindi lamang mga maliliit na isla ang posibleng mawala sa bansa, kundi ang seguridad, soberenya at kalayaan pati ng susunod na henerasyon.

Alam ni Robredo na nakakatakot na magsalita laban sa isang superpower tulad ng China pero hindi dapat na isuko ng pamahalaan ang soberenya ng bansa dahil sa takot.

Inihalintulad ni Robredo ang militarisasyon sa WPS na pinakamatinding banta sa seguridad ng bansa mula noong World War II.

Hindi aniya siya nagsusulong ng giyera sa China pero dapat na ipaglaban ng gobyerno ang karapatan ng Pilipinas sa WPS at igiit na ito ay atin.

Naaawa rin si Robredo sa mga mangingisdang Pilipino na pinagbabawalang mangisda at pinagnanakawan pa ng huli ng militar ng China sa teritoryo na idineklara na sa The Hague na pag-aari ng Pilipinas.

Source: ABANTE

Related Articles

Banta ng China sa WPS, mala-‘World War II’- Robredo
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email