Thursday, June 21, 2018

Dating sexy actress na si Bridgette De Joya at live-in partner nito, arestado sa buy bust operation


Nadakip ng mga tauhan ng Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit, San Fernando Police Station at SWAT ang dating sexy actress at live-in partner nito s San Fernando Pampanga kahapon.

Kinilala ang dating sexy actress na si Michelle Comstock alyas Tisay/ Bridgette De Joya, tubong Olangapo City at live-in partner nitong si Marciano Camacam alyas Bong Guevarra 42 anyos tubong Ilagan City Isabela at kapwa nakatira ngayon sa Northville, Calulut Resettlement, City of San Fernando, Pampanga.


Ayon kay PNP Police Regional Office 3 Regional Director Police Chief Supt Amador Corpuz alas-4:10 ng hapon kahapon bitbit ang search warrant hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng mag live-in partner.


Nakuha sa dalawa ang walong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu, limang improvised tooters na hininihilang shabu residue, timbangan, isang bundle ng empty plastic sachets at palatic plastic bottles ng softdrink na naglalaman ng liquid substance na umano ay hinahalo sa iligal na droga.

Sa ngayon nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Source: RMN

Related Articles

Dating sexy actress na si Bridgette De Joya at live-in partner nito, arestado sa buy bust operation
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email