Wednesday, June 27, 2018

De Lima, pinaiimbestigahan ang atrasadong TRAIN Law subsidy


Iginiit ni Senadora Leila de Lima na imbestigahan ng Senado ang natatagalang pagbibigay ng gobyerno ng subsidiya sa mga sektor na tinatamaan ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa kaniyang Senate Resolution No. 767, ipinatutunton ang dahilan ng pagkakabalam ng benepisyo at gusto ring alamin kung ano ang maaaring gawin para mapabilis ang mga ito.


Sa TRAIN Law, bibigyan dapat ng P200 kada buwan, nang walang anumang kondisyon, ang 10 milyong pinakamahihirap na pamilya bilang ayuda dahil maaapektuhan ng pagtataas ng buwis sa petrolyo at ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Nasa apat na milyong pamilya pa lang umano ang natutukoy at nabibigyan ng unconditional cash transfer.

Pinabibigyan din ng cash voucher ang tsuper ng mga pampasaherong sasakyan pero hindi pa naipatutupad dahil ginagawa pa umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang guidelines.

Ayon kay De Lima, mayroong forecast na lalo pang mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa second-round effect ng TRAIN na inaasahang higit na magpapataas pa ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dahil dito, kailangan umanong busisiin ng Senado kung ano ang ginagawa ng Malacañang upang maabatan ang pagtataasan ng presyo ng mga bilihin.

Source: ABANTE

Related Articles

De Lima, pinaiimbestigahan ang atrasadong TRAIN Law subsidy
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email