Saturday, June 23, 2018

De Lima sa PNP: Hulihin n’yo ang ‘pambansang tambay’ na si Duterte


Binakbakan ni Senadora Leila de Lima ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra tambay at sinabi pang hindi na dapat pang pumunta sa mga kalye parang manghuli dahil sa Malacañang ay mayroon nang “best example” ng tambay, si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mensahe na ipinadala nito mula sa kanyang kulungan sa Camp Crame, sinabi ni De Lima na, “Kung naghahanap ng tambay ang PNP, doon sila pumunta sa Malacañang. May bastos, palamura at tsismosong siga doon. Ang pangalan niya ay Rodrigo Roa Duterte.”

“Yan ang taong hindi talaga nagtatrabaho, na walang ginawa kung hindi magpatawa, magkalat ng tsismis at intriga, at mambastos ng mga babaeng dumadaan sa harap niya sa araw-araw ng kanyang pagka-pangulo ng bansa. Si Duterte ang tunay na pambansang tambay,” dagdag pa ni De Lima.

Aniya, mali umano ang ‘anti-tambay’ operations dahil nilalabag nito ang karapatan na magliwaliw, magpunta o pumirmi sa isang lugar ng mga mamamayan.

Idiniin din ng senadora na hindi naman umano nagprisinta ng malinaw na guideline o panuntunan ang PNP para sa anti-tambay operations, na labag umano sa 1987 Philippine Constitution.

Source: ABANTE

Related Articles

De Lima sa PNP: Hulihin n’yo ang ‘pambansang tambay’ na si Duterte
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email