Drilon, isinisisi sa palpak na pagpapatupad ng batas ang muling pang-aagaw ng bahay ng Kadamay


Ang kabiguang maipatupad ang batas ng tama at mahigpit ang nakikitang dahilan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kaya muling nagkaroon ng lakas ng loob ang Kadamay na ilegal na okupahan ang pabahay ng gobyerno sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Drilon, dahil nagtagumpay sa una nilang pag-okupa sa government housing sa Pandi, Bulacan ay nasanay ang Kadamay na gawin ito muli.

Giit ni Drilon, dapat makasuhan ang mga miyembro ng Kadamay kung may naging paglabag ang mga ito sa batas.

Binigyang diin ni drilon na mayaman man o mahirap ay dapat pantay-pantay sa ilalim ng batas.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment