Foreign policy ni Duterte, palpak – Hontiveros


Delubyo, palpak, banta sa kalayaan.

Ito ang paglalarawan ni Senadora Risa Hontiveros sa sinasabing independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y nakakiling sa China.

Ayon sa Senadora, sa labis na pananalig sa China, hindi ipinaglalaban ni Duterte at ng administrasyon nito ang West Philippine Sea (WPS) at ang mga Pilipinong mangingisda na binawalan umano ng mga Tsino na mangisda doon.


Katunayan aniya ang pagsasawalang-kibo ng administrasyon sa militarisasyon ng China sa WPS at ang pambubuska ng Coast Guard ng China sa mga Pilipinong mangingisda.

“Palpak at isang malaking banta sa ating kasarinlan ang palasukong foreign policy ni Pangulong Duterte. Palpak itong ipagtanggol ang kaligtasan at kabuhayan ng ating mga mangingisda. Palpak itong ipaglaban ang seborensya at teritoryo ng bansa,” sabi ni Hontiveros.

Ayon sa senadora, sablay ang direksiyon ng foreign policy ng pangulo dahil sinayang ang pagkapanalo ng bansa sa United Nations Abitral Tribunal na kumilala sa karapatan ng bansa sa WPS.

Pagyurak umano ito sa ala-ala ng mga bayani ng bansa na lumaban sa mga mananakop.

“It is a complete foreign policy disaster. It has squandered our history victory at the Arbitral Tribunal. It betrays our heroes’ struggle for independence against foreign colonizers. It is a policy of annexation to a foreign power.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment