Hontiveros, Binatikos ang lips to lips ni Pangulong Duterte sa isang OFW sa Korea


Kasuklam suklam para kay Senator Risa Hontiveros ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na paghalik sa labi ng isang Pinay sa South Korea.

Diin ni Hontiveros, ipinakita ni Pangulong Duterte na hindi sya karapat dapat na ituring na tatay ng sambayanang Pilipino dahil sa kawalan ng respeto lalo na sa mga kababaihan at kabiguang magpasya ng tama.

Umaapela din si Hontiveros sa lahat na huwag husgahan ang Pinay na pumayag makipag lips-to-lips kay Pangulong Duterte.

Diin ni Hontiveros, ang ginawa ng Pangulo ay malinaw na pag abuso sa kanyang kapangyarihan at pag-trato sa kanyang sarili bilang feudal king na kayang gawin ang lahat ng kanyang magustuhan.

Hinala pa ni Hontiveros, ang ginawa ni Pangulong Duterte ay tankang pag-agaw sa atensyon ng lahat mula sa isyu ng korapsyon sa kanyang administrasyon at sa kabiguan nitong ipaglaban ang soberenya ng Pilipinas kontra sa China.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment