Wednesday, June 27, 2018

Hontiveros, isang kabaliwan ang pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay


Isang kabaliwan para kay Senadora Risa Hontiveros ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga kapitan ng barangay hanggang sa mga tanod gayundin ang mga estudyanteng kasapi ng ROTC o Reserve Officers’ Training Corps.

Tanong ni Senadora Hontiveros, nais ba ni Pangulong Duterte na maging wild wild west na ang sitwasyon sa ating bansa kung saan wala ng umiiral na batas.

Giit ni Hontiveros, dapat mapanatili ang kaayusan sa ating lipunan.

Ayon kay Hontiveros, hindi solusyon ang pag-aarmas sa mga barangay officials, mga miyembro ng ROTC, pati mga prosecutors, pari at iba pang sektor.

Source: RMN

Related Articles

Hontiveros, isang kabaliwan ang pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email