Saturday, June 30, 2018

Hontiveros, Pondo kada taon para sa Mental Health Law titiyaking sapat


Titiyakin umano ng Kongreso na makapaglalaan sila ng sapat na pondo kada taon para sa implementasyon ng R.A. 11036 o Mental Health Law.

Sa interview ng Rmn DZXL Manila, sinabi ni Senator Risa Hontiveros na pipilitin nilang maging abot-kaya ang pagpapagamot ng mga acute mental health patients sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Philhealth at DOH.

Samantala, ayon kay Hontiveros – kabilang sa mahahalagang probisyon ng batas ang:

– Pagtatalaga ng DOH ng mga psychiatric, neurologic at psychosocial service;

– Pagpaparami ng lahat ng uri ng doktor, nurse, kamadrona at barangay health workers na may kapasidad na magbigay ng mental health services;

– Alisin ang diskriminasyon sa mga taong may mental health problem sa pamamagitan ng mga mental health program.

May 60 araw ang DOH para tapusin ang IRR.

Source: RMN

Related Articles

Hontiveros, Pondo kada taon para sa Mental Health Law titiyaking sapat
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email