Ilan sa Inokupang Bahay ng KADAMAY, posibleng ginawang NPA Training and Recruitment Center?


Base sa ulat ng Philstar, nagagamit na umano ang ilang pabahay na inokupahan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) para magkapang-hikayat ng bagong kaanib ng New People's Army (NPA). Ang impormasyon ay galing kay Jeffrey Ariz, ang lider ng grupong tumiwalag sa KADAMAY.

"They have been conducting teach-ins... Some of them... have been doing house-to-house visitation... in search for recruits as young as 11... and to intimidate us,"sabi ni Ariz.


Isiniwalat din ni Ariz na 3 housing projects pa ang naokupahan na rin daw ng mga dati nilang mga kasamahan.


Nakakatanggap na rin raw ang grupo ni Ariz ng mga pagbabanta mula sa dating nila mga kasama sa KADAMAY. Ayon kay Ariz, ilan sa mga rason kung bakit sila tumiwalag sa KADAMAY ay ang pwersahang pagpapapunta sa kanila sa mga anti-government rallies at pangongolekta umano ng P150. Pinagbantaan din daw sila ng dati nilang kasamahan na paaalisin sa bahay na kanilang inokupa.

"We were given two options... to rejoin the group or be dead"pagsisiwalat pa ni Ariz.

Source: Philstar
Previous
Next Post »
0 Comment