Isang kasambahay, nagtapos na magna cum laude sa kolehiyo


Isang kasambahay na lalaki sa Tuguegarao City, Cagayan ang nagtapos ng kolehiyo at magna cum laude pa.

Sa ulat ng GMA News "Unang Hirit" nitong Biyernes, sinabing hindi raw inasahan noon ni Jarel Tadio, na makapagtatapos siya ng pag-aaral dahil na rin sa kahirapan ng kanilang buhay.

Pero para sa kaniyang pamilya, ginawa raw ni Tadio ang lahat at pinasok ang iba't ibang trabaho pati na ang pagiging kasambahay.


Kaya naman nang makapagtapos, inilagay niyang mensahe sa ipinost niyang larawan sa Facebook: "Proud kasambahay! Proud magna cum laude!"

Hindi naman kinalimutan ni Tadio na pinasalamatan ang pamilya Guevara at Ballesteros na nagbigay umano sa kaniya ng trabaho at kumupkop sa kaniya habang siya ay nag-aaral.

Source: GMA
Previous
Next Post »
0 Comment