Tuesday, June 19, 2018

Isang Tambay, nangursunada ng pulis, kalaboso


ISANG istambay na umiinom ng alak sa kalsada ang inaresto ng Tubao Police Station (TPS) matapos mangursunada ng pulis sa nasabing bayan sa lalawigan ng La Union noong Linggo.

Kinilala ng La Union Police Provincial Office (LUPPO) ang suspek na si Richard Calamayan, ng Tubao sa nasabing lalawigan.

Sa report ng TPS, napagalaman na si PO1 Fracisco Jeneta,na naka assign sa La Union Provincial Mobile Force Company (LUPMFC) ay papauwi galing trabaho at nadaanan sa lugar ng suspek na umiinom sa gilid ng kalsada.


Dito, walang sabi-sabing kinursunada ng Calamayan ang biktima at bumunot ng .45 pistol, tinutok ito at saka kinalabit ang gatilyo.

Masuwerte naman at hindi pumutok ang baril at nakatakbo si Jeneta na humingi ng tulong sa kapwa niya pulis.

Naaresto ang suspek at ang kanyang baril na ginamit at walang kaukulang papeles.

Si Calamayan ay nakainom ng alak noong gawin niya ang krimen.

Siya ngayon ay nakakulong sa TPS at kayong illegal possession of firearms at frustrated murder ang ikinaso sa kanya.

Kamakailan, sa pagtugon sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Director Gen. Oscar Albayalde na hulihin ang mga “istambay”, sinabi ni LUPPO provincial director Sr. Supt. Ricardo Layug Jr., at sa tulong ng barangay officials sinimulan na nila ang paghuli ng mga istambay na pinagmumulan ng street crimes.

Source: ABANTE

Related Articles

Isang Tambay, nangursunada ng pulis, kalaboso
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email