Wednesday, June 6, 2018

Kris kay Mocha: “Mocha, you win… You win because you hurt me"


Rumesbak si Queen of All Media Kris Aquino kay Communication Assistant Secretary Mocha Uson kasunod ng pagtanggi na humingi ng paumanhin sa pang-iinsulto sa kanyang magulang.

Sa panibagong live video post nito, inihayag ni Aquino ang kalituhan sa pahayag ni Uson na hindi tungkol sa kanya ang video ng ama na pinost niya sa social media.

                                                  

Do you have a point? It’s not about me, it’s about my father,” sabi ni Aquino.

Iginiit ni Aquino sa kanyang bagong video na laman at dugo siya ng yumaong Senador Ninoy at dating Pangulong Cory Aquino at karapatan niya na magsalita para sa mga ito.

Hindi rin dapat aniya na ikumpara ang video ng ama na hinalikan ng mga taga-hangang babae sa paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

                                                

Tanong pa ni Kris, kung may ginawa bang masama ang kanyang ama at ina kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin din ni Kris sa video na talo siya sa nakasagutang opisyal, “Mocha, you win… You win because you hurt me, and I think that’s what you wanted to do.”

Sa huli, sinabi ni Aquino na tama si Uson dahil hindi ito tungkol sa kanya kundi isang paalala na mahal at inirerespeto pa rin ng mga Pilipino ang kanyang mga magulang na sina Ninoy at Cory Aquino.

Source: ABANTE and Mocha Uson Blog 

Related Articles

Kris kay Mocha: “Mocha, you win… You win because you hurt me"
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email