Tuesday, June 19, 2018

Malacañang sa oposisyon: Sa Aquino admin nawala ang Panatag Shoal!


Rumesbak ang Malacañang sa oposisyon sa paninisi sa kinahinatnan ng laban ng gobyerno sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng sunod-sunod na banat ng mga oposisyong mambabatas sa tila pagiging malambot umano ng gobyerno at tila umaakto pang tagapagsalita ng China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na panahon ng nakalipas na administrasyon nang mawala sa Pilipinas ang Panatag Shoal.


Hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin malinaw sa publiko kung ano ang nangyari sa ilang beses na backdoor negotiations ni Senador Antonio Trillanes IV sa China.

“Tigil-tigilan nila tayo sa mga pagpupula nila dahil panahon nila nang nawala sa atin ang Panatag Shoal, at sa panahon ni Presidente Duterte ay walang kahit isang teritoryong nawala,” ani Roque.


Binigyang-diin pa ng kalihim na kaya dumami ang mga barko at eroplano ng China sa WPS ay dahil naunang pinaporma ng Aquino administration ang barko ng Pilipinas sa lugar, ang BRP Gregorio del Pilar.

“Dahil sa Del Pilar, ipinadala ng China ang lahat ng kanilang barko at Coast Gurad kaya tuluyang nawala sa atin ang Panatag Shoal,” dagdag pa ni Roque.

Source: ABANTE

Related Articles

Malacañang sa oposisyon: Sa Aquino admin nawala ang Panatag Shoal!
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email